CHAPTER 33

2.5K 77 13
                                    

A/N: Try ko ulit mag update mamaya after mass. Pero sure na mag uupdate ako bukas. Guys ifollow nyo sa twitter yung mga characters! i tweet nyo din ako @LhaieOfficial and meron na pong fb account yung ibang characters. Ayun! Simbang gabi na! :] baka next week matapos na tong TCS kapag wala akong masyadong gagawin. Kk? Hi nga pala sa bestfriend ko! Bevz Mallari Salita hahahahaha! Miss you! Hello din kay Maricris Cantiveros na super sipag mag tweet sakin. kelergs always! Hahaha Game na UD na! #ThatCrazySTalker ang join kayo sa group sa FB search nyo THAT CRAZY STALKER READERS

GAME NA TALAGA! HAHAHAHAHA TWEET NYO KO HA!

-----------------

ZANE POV


Ilang araw na ang nakalipas mag simula ng nangyaring gulo sa aming lahat, nung nag simulang gumulo ang buhay ko. Mag kaklase parin kami ni Thomas ngayon pero si Kristina na ang katabi nya. Ilang araw na din na lagi lang akong naka kulong sa kwarto, dinadalaw lang ako madalas nila Max at doon nag papadala si Thomas ng sulat since kinakapkanapan pa sila Max kapag dumaladaw dahil no phones allowed. Ilang araw na din na nakukuntento kami ni Thomas sa bawat sulyap at palitan ng sulat. Miss na miss ko na ang Super Hot ng buhay ko.

Hindi na din namin pinapansin si Kristina buhat ng nangyari ang sagutan nung birthday ko. Pero sinasamahan nya si Thomas na kumain ng lunch, isang bagay na ako dapat ang gumagawa! Nakakainis at nakakairita na, kelan ba dadating yung panahon na wala ng konrabida sa buhay ng tao? Kelan ba dadating ang panahon na magiging masaya nalang ang kapwa mo kasi masaya ka at hindi ka na guguluhin pa? Kailan? Imposible na nga siguro.

Nasa school kami ngayon, pakiramdam ko ay bumalik kaming tatlo nila Skye at Max sa dati naming buhay. Nung panahon na wala pang kaibigan na si Kristina, at wala pa sila Thomas at Rara. Panahon na walang Quinn sa school, panahon na tahimik pa ang buhay naming lahat at hindi pa kumplekado.

"Besty okay ka lang?" tanong ni Max saakin

"Alam mo naman ang sagot dyan besty e" simpleng sagot ko lang at tumahimik si Max, sa lahat alam kong si Max ang talagang nakakaintindi sakin kaya nag papasalamat ako na lagi lang syang nasa tabi ko. Hininintay namin si Skye sa pathway dahil may pinasa syang papers sa office ng drama club.

"Maggiging okay din ang lahat besty" sabi ni Max, sa simpleng sinabi ng bestfriend ko na yun ay alam ko na nadagdagan ang lakas ng loob ko, dahil atleast alam kong merong mga tao na pabor sa relasyon namin ni Thomas.

"Sana nga besty, sana nga talaga" sagot ko

"Hay nako ang tagal naman ni Skye, akala ko ba saglit lang yun?" pag iiba ni Max ng usapan, pero oo nga? Parang ang tagal ni Skye, mahigit 30mins na kaming nag hihintay sakanya pero wala parin sya.

"Try mo kayang tawagan?" suggest ko, tanaw ko parin mula sa kinatatayuan namin ang mga bodyguards ko. Binibigyan naman nila ako ng privacy pero kapag mag tatangka ng lumapit si Thomas e bigla nalang silang lalapit para hawiin sya na akala mo artista ako na prenoprotektahan.

"Hindi sumasagot e" sabi ni Max ng maka ilang beses na sya ng try na tawagan si Skye

"Tara sundan nalang natin" sabi ko at tumango naman sya

Nag lakad kami papunta sa office ng drama club. Nang makarating ay kumatok muna si Max bago tuluyang pumasok

"Hi Max? Hi Zane" bati ng isang member

"Ahhh hello, nasan si Skye?" tanong ni Max ng hindi namin makita sa office si Skye, nasan naman kaya yun? mamaya nag kasalisi kami? Pero imposible, isa lang naman ang dadaanan e

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now