CHAPTER 35.1

2.9K 63 15
                                    

A/N: Merry Chirstmas ang Happy New Year stalkies, sorry kung ngayon lang naka UD grabe kasi yung net may kabagalan hahahaa! Pero ito na ito na! game! Tweet nyo ko @LhaieOfficial #ThatCrazyStalker

----

THOMAS POV

Ilang araw nang puro alak ang laman ng tyan ko, ganito pala ang pakiramdam ng brokenhearted. Ganito din siguro yung nararamdaman ni Rara noon at ni Quinn ngayon, ganito din siguro yung nararanasan ni Kristina sa akin. Si kristina, sya ang kakampi ko ngayong pinagtutulakan ako palayo ni Zane, kahit na lagi kong sinisigawan si kristina, nandyan lang sya lagi sa tabi ko. Nag mumuka na nga syang katulong e. Sinusundo nya ko kapag tumawag na yung manager ng bar na pinupuntahan ko dahil sa sobrang kalasingan at nag wawala na ako, sya din ang tumutulong para maging komportable ako sa pag tulog dahil sa sobrang kalasingan hindi na ako maka galaw at maka pag palit manlang ng damit ko. Kagaya ko, kahit pilit ko syang pinagtatabuyan nandyan parin sya, kagaya ko kahit pilit na akong pinag tatabuyan ni Zane mahal na mahal ko parin sya. Mula sa malayo, nakikita kong masaya si Zane kapag kasama nya si Rara, the way she look at him is exactly the same way she looked at me before. Or maybe, the way she look at him is still the same way she looked at him before. Baka hindi naman talaga nag bago, baka akala ko lang. Baka totoo nga talaga yung sinabi nya na kahit kelan hindi nyako minahal, baka sobrang pinilit ko lang yun sarili ko sakanya, baka naawa lang sya sa akin noon dahil masyado kong pinag pipilitan yung sarili ko sakanya. Baka panahon na para tuluyan ko na syang i let go at tanggapin nalang ang katotohanan na ang kay Rara ay kay Rara at walang kay Thomas kahit kelan. Baka kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na si Kristina ang para sa akin, si Kristina ang nag mamahal sa akin at hindi si Zane. Pero kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili ko na wag ng isipin si Zane hindi ko parin magawa dahil si Zane ang laman ng isip at puso ko. At kahit anong pilit ko kay Kristina nalang ituon ang atensyon ko ay hindi ko magawa, hindi nga talaga natuturuan ang puso. Makulit talaga e, gustong gusto nyang nasasaktan, at gustong gusto nyang mahalin yung tao na hindi naman talaga para sa akin.

Ilang araw na din akong hindi pumapasok pero pinang cocopy ako ni Kistina ng notes at excused ako. Ang alam ng lahat may sakit ako kaya hindi ako makapasok. May sakit naman talaga ako. Masakit ang puso ko! Sobrang sakit ng nararamdaman ko!

"Ohh ito na yung notes ngayon, dapat mahabol ka ha. May one week ka pa naman para makabawi kasi next week intrams natin, pero Thomas kailangan mo pumasok sa intrams ha. Injured kasi si Henry yung isa nating player at gusto ng school ikaw daw ang pumalit Mallows vs Graham Academy. Pero kung hindi mo kaya at ayaw mo sasabihin.." Pag kapasok na pag kapasok ni Kristina inilagay nya agad ang mga notes sa ibabaw ng study table ko at saka isa isang niligpit ang mga alak na nakakalat sa kwarto ko pati mga damit na basta ko nalang tinapon kung saan saan. Nakatitig lang ako sakanya habang nag sasalita sya, iniisip ko ano kayang nararamdaman nya? Puro nalang kasi nararamdaman ko ang iniisip ko this past few days. Kaya bago pa nya ituloy ang sasabihin nya ay nag salita ako

"Kaya ko, mag lalaro ako" sabi ko at napatigil sya sa ginagawa nya. Ito ang unang beses na nag salita ako ng hindi lasing. Aware ako na tinatawag ko ang pangalan ni Zane at nag sasabi sabi ako twing lasing ako. Pero ito ang unang beses na nag salita ako simula ng mag hiwalay ni Zane na nasakatinuan ako. Kitang kita mo sa mga mata nya ang gulat at tuwa

"Sigurado ka?" tanong nya

"Oo" simpleng sagot ko

"Oh sige sasabihin ko agad kila coach yun, pero kapag hindi mo pa kaya na pumunta sa school at hindi ka pa okay sabihin mo lang ha gagawa ulit kami ng letter para ma excused ka.." diredirechong sabi nya

"Ngangabu talaga kahit kelan!" nakangising sabi ko at napayuko sya

"Sorry" sabi nya na may halong hiya

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now