CHAPTER 17 University Week

5.4K 112 6
                                    

A/N: Hi po sa lahat ng nag babasa at sumusuporta ng TCS, gusto ko po kayong pasalamatan lahat. Kahit na madaming tao na kakilala ko pa talaga personaly ang hindi naniniwala sa kakayanan ko. Still nag papasalamat ako sa inyo na naniniwala sakin, hindi ko man kayo lahat kakilala! Salamat talaga, maraming maraming salamat. Sa mga hindi naniniwala sakin salamat din po. Mas lalo akong ginaganahan na galingan.

Gusto kong pasalamatan yung mga nag cocomment at nagugustuhan nila tong story, sa mga silent readers. Salamat, sana hanggang sa matapos to nandyan parin kayo.

Dati ako lang ang nag lilike sa kada chapters nito haha ngayon nandyan na kayo salamat!!!

Masyado ng mahaba kaya ito na, sana mag comment kayo ulit ha :)

PS: Sorry sa errors! hehe

dedicated tong chapter na to sakanya --->

------------------------------------

Thomas Blaze POV

Hello guys? namiss nyo ba ako? Hahahahaha buti naman! kasi ako din namiss ko mag POV tong author nyo kasi! parang may favoritism! hindi ata effective ang hotness ko! Hoy Author! sa ending kapag hindi ako ang nakatuluyan ni Zane sisilaban kita! Hahaha at susugurin ka ng Team Thomas!

Well! University Week ngayon ng Mallows at Graham Hahahaha! Kada Anniversary nung mag asawang Smore talaga ganito 1week celebration yun,

Busy ang lahat para sa event, at busy yung mag kapatid kasi may laban ng basketball, well si RARA na ang pumalit sakin nung napatalsik ako sa Graham, ehh since malapit na yung event hindi na ko pwedeng sumali dito sa Mallows. Susunduin ko sana si Zane kaya lang sabay sabay daw sila papasok yung apat na yun hindi mapag hiwalay Voltes 4 e! Hahahahahaha kapag kasama nila si Quinn Voltes 5 na hahahahaha! Poga ko mag joke noh? dibali pogi naman ako e! Hahahaha

Papasok na ko sa Parking Area ng Graham Academy, grabe namiss ko to! Dito kasi gaganapin yung Opening well kasi, 2 days dito 2days din sa Mallows tapos yung last day hindi pa namin alam kung saan yung ball e hehe. Malapit lang naman to sa Mallows pwede ngang lakarin e.

Nag park ako at bababa na sana ng nakita ko yung sasakyan ni Ziggy kaya hinayaan ko muna syang makalabas ng sasakyan. Pinag buksan nya ng pinto si sarah at mas laking gulat ko ng may isa pang pamilyar na babae na lumabas mula sa likod ng sasakyan nya. Anong ginagawa nyan at kasama nya yung dalawa? Hindi kaya? Sya? sya yung! pero paanong naging sya?

Kapag university week namin ok lang ang outsider, ano nanaman kaya ang balak ni Sarah? Kahit ano pa yan hindi ko naman hahayaan na mapahamak si Zane, hinding hindi

Hinayaan ko muna silang maka alis ng tuluyan bago ako bumama at tinawagan si Zane

(Calling Baby my Loves)

"Ohhh?" sagot ng baby ko after ilang ring

"Goodmorning beautiful!" sabi ko kay Zane

"Heh!" sagot nya lang sakin! hahahah sweet talaga ng baby ko

"Nasan kana?" tanong ko sakanya

"Kanina pa nasa school! nasa field kami inaayos na yung mga booths tumutulong ako kila Max" sabi nya

"Sige punta ko dyan" sabi ko at may babye palang ako binaba na nya yung phone! ganun ka sweet yang si Zane, ayaw nyang nag sasayang ako ng load hahahahaha!

Kaya pumunta na ako sa field para puntahan yung booth, 2days ang booth dito sa Graham tapos pag dating naman sa Mallows wala ng booth puro banda na ganun ohh kaya mga pakulo ng mga tao kung pano i aask sa ball yung babaeng gusto nila. Hala! ako kaya? paano ko aayain si Zane? Nakoo! isa pa pala yun sa mga iisipin ko, kailangan sobrang cheesy yun!

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now