CHAPTER 36

2.9K 59 12
                                    

*Basahin nyo ang Author's Note ko sa baba! Wag dedma please! hahahaha

-----

KRISTINA POV

Nasa sasakyan ako ngayon ni Thomas dahil sabay kaming papasok. Nakikita ko na syang tumatawa at magulo ulit nitong mga nakaraang araw pero alam ko naman na nag papanggap lang sya na masaya at nag papanggap lang na okay na sakanya ang lahat. Tinignan ko ang singsing na suot ko na binigay ni Thomas sakin, muli akong namangha sa ganda nito. Sobrang ganda ng singsing na suot ko pero alam kong hindi bagay yun sa kamay ko. Dahil ang engagement ring binibigay lang dapat ng lalake sa taong mahal nya, yung totoong mahal nya at tinatanggap lang ng babaeng nararapat para sa lalakeng nag proposed. Hindi ako yun, at kahit anong gawin ko hindi magiging ako yun. Ginawa ko naman ang lahat para palitan si Zane, pero hindi pala yun ganun kadali. Tahimik lang kami habang nasa sasakyan. Ganito naman kami lagi e. Tahimik lang at mag sasalita kapag gusto nya, tapos kapag nakaharap ang maraming tao muka kaming masayang couple.

"Mahal mo pa sya noh?" tanong ko, tumingin sya sakin bago binalik ang paningin sa kalsada

"Anong klaseng tanong yan ngangabu?" tanong nya

"Kingina! Minsan nalang mag seryoso oh! sagot na kasi! Mag patanong tanong ka pang ganyan! Moment ko kaya to!" sabi ko naman

"Siguro? Baka? Hindi ko alam" mahinang sagot nya

"Pinagsisisihan mo ba na minahal mo sya?" tanong ko, huminga sya ng malalim na wari mo nag iisip kung ano ba ang tamang isasagot nya "Thomas, totoo ang isagot mo. Hayaan mong masaktan ako sa totoo kesa sa kasinungalingan" sabi ko

"Hindi, hinding hindi ko pinag sisihan na minahal ko sya at hinding hindi ko pag sisisihan yun. Kahit na nasaktan nya ko, mas lamang parin sa isip ko yung panahon na naging masaya kami, na naging masaya ako kasama sya. Kaya hindi ang sagot" sabi nya, huminga ako ng malalim kasi hello! Masakit kaya!

"Paano kung mag kakaroon ka ulit ng chance na bumalik sakanya? Gagawin mo ba?" tanong ko ulit, 

"Hindi na" nakangiting sagot nya habang nakatingin parin sa kalsada

"Bakit naman?" takang tanong ko

"Dahil mahal ko sya" sagot nya, kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin, mahal nya pero kahit may chance pa ayaw na nyang bumalik? "Kapag nag mahal ka mas iisipin mo kung saan sasaya yung taong mahal mo. Masaya na sya, hindi na ako ang gusto nyang makasama kaya ayaw kong bumalik pa dahil ayaw kong humadlang sa kasiyahan nya. Kasi mahal ko sya" sabi nya

"Pero narinig ko yung pag tawag nya sayo ng 'mahal ko' nung basketball game. Ibig sabihin mahal ka pa nya" sabi ko

"Akala ko din, pero nung pumunta sila ni Rara sa party magkahawak parin sila ng kamay. Ibig sabihin hindi nya parin binibitawan si Rara at maaring wala syang balak bitawan si Rara. Baka naaaawa lang sya sakin nung oras na yun" sagot nya, may parte sa akin na nasasaktan hindi dahil sa sakit ng sinasabi nya kundi dahil nakikita ko syang nasasaktan.

"Pero hindi yun ang nakita ko" sabi ko dahil ako mismo alam kong mahal ni Zane si Thomas at ginagawa lang nya to dahil yun ang makakatulong sa pamilya nila.

"Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo, yan ang laging sinasabi ni Ar-ar samin. Wag na nating pag usapan nasa school na tayo kaya umayos ka" sabi nya at saka bumaba ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa school.

Sabay kaming nag lakad papasok ng classroom, ang daming bulong at madami din ang nag co-congrats sa amin. Kasal kasal kasal? Karapatdapat ba talaga kaming ikasal? 

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now