CHAPTER 18 University Week (Unang pasabog!)

4.5K 103 35
                                    

A/N: Hello guys! Ito na ang chapter na pinaka inaabangan nyo!!! Kapit kapit tayo para malaman ang misteryo sa pagkatao nila Rara Thomas at Chubz! Ito na yun! Hahahahaha nandito na! So ready na ba guys?

Ito na talaga!!!

Sorry sa errors! Antok na kasi ako tapos masama pa pakiramdam ko hehe :))

---------------------------------------------------

RARA POV

Hindi ko alam kung bakit ganun nalang yung inakto ko kanina, hindi ko alam kung bakit bigla nalang ganun yung galit ko nung nakita kong nasaktan si Zane sa sinabi ni Ziggy. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang yung pag aalala ko, hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko nalang... Nag aalala na ko sakanya. Hindi ko alam kelan nag simula o kung paano.

Papunta kami ni Reaker ngayon sa Gym dahil may game ngayon, ni hindi ko nga alam kung makakapag laro pa ko ng ayos dahil sa nangyari

"Ayos ka lang bro?" tanong ng kapatid ko ng naupo muna kami at hinintay yung mga kasama namin

"Nalilito ko, yun lang ang alam ko" sabi ko sakanya. Yan ang totoo, nalilito ako! May iba kay Zane at may mali kay Quinn.

Una kong nakita si Zane sa isang cafe, mag isa lang nya nun at ako naman hinihintay ko si Quinn. Ilang araw bago ko makita ulit si Quinn sa isang event, hindi na ko nag aksaya ng panahon para mapalapit ulit sakanya, palaigi syang tumatangi kapag inaaya ko syang lumabas. At yun ang unang beses na pumayag syang lumabas kami. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang biglang mabilis nag bago yung isip nya, biglang gusto nya na kong kasama lubamas. Pero nung araw na yun merong isang crew dun na pinapagalitan ng isang mataray na customer.

Flashback

"Ang tanga tanga mo! Diba Java chip yung order ko? ehh bakit Mocha to?" sabi ng babaeng galit na galit na sa tingin ko mali ang naibigay sakanya na order

"Maam sorry po, papalitan ko nalang po" sabi naman ng crew

"Duh? nawala na yung gana ko! Hindi mo nabigay yung order ko ng tama! Sino ba manager dito ng mapaalis ka dito! Ang tanga tanga mo" sabi nung mataray na babae

"Maam wag naman po, may pinag aaral po akong kapatid. Kailangan ko po tong trabaho na to" pag mamakaawa ng crew

"Wala akong pake kung may pinag aaral ka! May point si! Tanga ka!" sabi ulit ng babae

Halos mapaiyak na yung crew dahil siguro sa takot na mapaalis sya

"Maam palita nalang po yung order nyo, please po maam" pag mamakaawa ulit nung crew

"Lumayas ka nga sa harap ko! Sino ba manager nyo! Ang mahal mahal ng binabayad sa inyo! Your service supposed to be perfect! hindi yung ganito mali mali!" sigaw pa lalo ng babae

Hanggang sa may isang babae na lumapit na sa crew at sa babaeng nag aamok

"Miss, ang simpleng bagay naman pinapalaki mo. Papalitan nalang daw yung order mo diba?" sabi nya sa babaeng mataray, una palang nakuha na nya yung atensyon ko.

"Ano bang pake mo? wag ka ngang na ngengeelam" sabi ulit nung babae

"Hindi mo naman sya kailangan ipahiya, saka may mawawala ba sayo kung papalitan na nga lang daw yung order mo?" sabi ulit nya

"Mind your own business" sabi ulit nung babae

"Maam Creed.." mag sasalita palang sana yung crew ng mag salita ulit yung babae

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now