Chapter 49: Difficult

29.6K 314 24
  • Dedicated kay Zyralene Zara Santiago
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 44: Difficult

PENNY



‘Let's end this engagement.’


Yes, it's totally over. Tapos na ang lahat sa amin. It has been five days since that happened. Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.

No.

Panaginip lang talaga ang lahat. Simula nang maging fiancé ko siya. Noong naging malapit kami sa isa't isa. Noong sinabi niyang manatili ako sa tabi niya. Hanggang sa tapusin niya ang lahat. Lahat nang iyon panaginip lang. At hanggang nayon, hindi pa rin ako nagigising.


"Penny! Nasusunog na yang niluluto mo!"

Nabulabog ako sa pag-iisip dahil doon. Hala!  Dali-dali kong pinatay ang stove. Hindeeee! Nasunog ang piniprito kong itlog. Toasted sunny side up egg!

"K-kuya Philip," naluluhang sabi ko.


"Sigurado ka bang kaya mo nang pumasok ngayon? Parang hindi ka pa okay eh," nag-aalalang tanong ni kuya Philip.


"Er..opo. Hindi ako pwedeng mag-absent ngayon. Hindi na nga ako pumasok kahapon, hindi pa rin ako papasok ngayon?! Mabubulok na ang utak ko nyan eh." Almost five days kasi akong nilagnat. Hindi ko naisip ito nang magpabasa ako sa ulan noong…

Matagal nang bulok ang utak mo," singit ni kuya Peter.

I glared at him. "Tse! Manahimik ka! Ang tali-talino ko nga eh!"

"Matalino!? Sino bang matalinong tao ang magluluto na lang, susunugin pa!? At take note ha, itlog lang yan," pang-aasar niya.

I pouted. "Kuya Philip oh!" sumbong ko. Kainis talaga si kuya Peter. Walang patawad kahit kagagaling ko lang sa sakit.

"Tumigil nga kayong dalawa! Ang aga aga, nag-aaway na naman kayo," saway ni kuya Philip.

Tch! Si kuya naman lagi ang nauuna eh. Kahit nung may sakit ako, hindi pa rin ako tinigilan asarin.

Naku, makapag-ready na nga lang. Papasok na ako ngayon eh. Marami rin akong namiss na lessons.


"Ay teka Penny," tawag ni kuya Philip. Napahinto ako at tumingin sa kanya. "Pinapasabi pala ni tito Vassil kay Vaughn, ilista na niya yung mga gusto niyang imbitahin sa Engagement Party niyo. Doon na rin daw nila ipapagawa ang invitation, para pag balik dito, konti na lang ang poproblemahin."

Muntik ako mabuwal dahil sa sinabi niya. Dali-daling lumapit sa akin si kuya Philip. "Okay ka lang? Nahihilo ka? Wag ka na lang kayang pumasok?"

"O-okay lang ako kuya. Medyo na-out of balance lang." I smiled at him. "Sasabihin ko na lang sa kanya yung pinapasabi ni tito," sabi ko bago dali-daling pumasok sa kwarto ko.

Hindi pa alam nina kuya ang nangyari sa amin ni Vaughn. Si Kaoru lang ang nakaka-alam. Hindi ko muna sinabi sa kanila. Baka saktan nila si Vaughn kapag nalaman nila. Kilala ko ang mga kuya ko. Pagdating sa akin, protective sila. 

Buti na nga lang, hindi nila itinatanong kung bakit hindi pumunta si Vaughn noong may sakit ako. Tsaka, tinatry ko ring iwasang makipag-usap sa kanila para hindi nila i-open ang tungkol doon. Nagtutulugtulugan lang ako palagi. Sasabihin ko na lang sa kanila sa tamang panahon. Kapag medyo nakakamove on na ako. Pero iniisip ko, kailan ba ako makaka-move on doon? Tsk. Matatagalan pa.

Sasabihin ko na lang kapag dumating na sina momma galing Paris. Para isang beses na lang.

Pero natatakot ako. Naisip ko kasi, ngayong hindi na kami engaged, hindi na namin makukuha ang pera. Baka tuluyan nang malugi ang kumpanya ni tito Vassil. Paano ko sila haharapin? Si ate Vanessa? Si tito Vassil? Tiyak, malulungkot sila. Baka madisappoint sila sa akin. Ayaw ko ring madisappoint si daddy. Gusto ko siyang tulungan, pero sa ngayon, wala na akong magagawa. Si Vaughn na kasi mismo ang umayaw.Alangan namang ipilit ko pa ang sarili ko sa kanya.

Napadukdok ako sa unan ko. Argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nafu-frustrate na ako sa mga nangyayari!

Isa pa pala. Paano ko siya haharapin mamaya? Paano ko siya haharapin nang hindi ako naapektuhan? Iniisip ko pa lang, hirap na hirap na ako. Parang ayaw ko muna siyang makita. 

I sighed. Wala naman akong ibang choice. Bahala na. Iiwasan ko na lang muna siguro siya.


----------------------

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon