(Fool) Special Chapter 4: Think of Me

29.5K 280 28
  • Dedicated kay November Twentyseven
                                    


Guys! Nov. 27 is Natsume's birthday! My inspiration of Alistair and this special chapters! So as a gift at para na rin sa pakiki-isa sa celebration ng beshie ko, two special chapters update na magkasunod! Tsaka, medyo time out muna tayo sa heavygat atmosphere. It's time for KILIG atmosphere. ^____^


HAPPY BIRTHDAY NATSUME HYUUGA!


Love,

Bling Girl and DarkNovember.

Enjoy :)


Fool



Special Chapter 4: Think of Me




Kaoru's POV





Nasaan ba siya?!



"Nasaan ang hinayupak na yun?! Iharap niyo siya sa akin!" tili ko.


Napatigil ang mga tao sa ginagawa nila at napatingin lahat sa akin.


*smirks*


"Alam kong nandiyan kang hayup ka! Kanina pa kita hina-hunting! Lumabas ka riyan sa lungga mo!"


Nasa labas ako ng Engineering building. Hinahanap ko yung halimaw na lalaking yun. Hmf! Wala akong pakialam kahit anu pang sabihin ng mga taong nandito! Galit ako! At hindi nila ako mapipigilan!


There. I saw the devil. Grrrr....umiinit nanaman ang bumbunan ko!




"What are you doing here?" tanong ni Alistair.


Lumapit ako.


"Tabi diyaaaan! Hindi ikaw ang kailangan ko!" sabay tulak sa kanya.



"Ikaw!" sabay duro sa kanya ng shinai ko.


"A-ako?" kinakabahang tanong ni Vaughn.


"Oo! Ikaw nga! Hayup ka! Letse ka! Paano mo nagawa yun?! Humanda ka sa akin! HAAAAAAAA!" sinugod ko siya at pinaghahataw ng shinai.


"Aray! Aray! Tama na! Masakit!" sigaw niya.


"Kulang pa yan! Heto pa! Tanggapin mo yan! HAAAAAA!" patuloy ko lang siyang pinaghahampas. Hindi na pinapansin ang mga taong nakapaligid sa amin. "Napakawalang kwenta mong lalaki ka! Walang hiya kaaaa!"


Tumakbo siya kaya hinabol ko. Aba! Balak pa akong takasan ng mokong! Tssss...hindi ko siya pakakawalan!


"Hindi mo ako matatakasang unggoy ka!"


Nagpaikot ikot kami sa isang puno.


"Ano bang problema mo?!"


"Ano?! Hindi ano! Kundi sino! Ikaw lintek ka! Napakawalang kwenta mo! Bumalik ka rito! Kulang pa yung hampas ko sa yo!"


Tumakbo kami at napikot-ikot sa Engineering building. Dumarami na ang mga taong nanunod sa amin at parang nag-eenjoy sa nakikita nila. Yung iba nga nag-checheer pa.


Ano 'to? Action movie? Kahit kailan talaga, ang daming usi. =.=






Ay bahala sila! Wala akong pakialam sa kanila. May kailangan pa akong tapusing sariling 'business' dito.


Nacorner ko siya.


*grin* "Nahuli rin kita. Akala mo ba matatakasan mo ako? Nagkakamali ka. I am your worst nightmare, jerk! HAAAAA!" hinampas ko ulit siya.


Pero sinangga niya. "Sumosobra ka na! Physical injury na yang ginagawa mo! Idedemanda kita kapag hindi ka tumigil," banta niya.


"Edi idemanda mo! Wala akong pakialam! Kahit ipatapon mo pa ako sa kabilang planeta! Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang bestfriend ko! Hangga't hindi kita napupuruhan!" naluluha na ako. "Hindi mo ba alam kung gaano mo siya nasaktan?! Wala siyang ginagawang masama, pero sinaktan mo siya! Ang mali lang naman niya, ay yung minahal ka niya nang higit pa sa sarili niya! Ang mahalin ka niya mula pagkabata niya! She loves you since she was a little girl, jerk! Hinintay ka niya! Hinintay ka niya ng matagal na panahon! Ngayon, sabihin mo sa akin kung hindi mo deserve yan!" umiiyak na ako.




Nasasaktan ako. Oo, nasasaktan ako para kay Penny. Hindi ko kayang makita siyang ganun. Nagkasakit siya at sobrang lungkot niya. Hirap na hirap akong nakikita siyang ganun.




*FLASHBACK*



*kriiiiiiing!*


(Penny calling....)


Sa wakas! Tumawag rin! Nakuuuu, masesermonan sa akin ang babaeng to. Pinag-alala ako ng bongga!


"Babae! Anong trip mo at ngayon ka lang tumawag?!"


(*sob* Kaoru. Wala na.)


Huh? Ano raw? Bakit siya umiiyak? Tsaka bakit parang nasa labas siya? Ang lakas kaya ng ulan.


"Anyare sa'yo? Nasaan ka ba? Teka! Nagpapaulan ka ba?!"


Medyo natawa pa siya. (Wala namang masama kung maliligo ako sa ulan minsan. Ginagawa naman natin dati yun, diba?)


Ay? Tignan mo raw. Parang wala siya sa sarili niya ah.


"Gagi! Gabi na para magpaulan ka! Lalagnatin ka niyan eh. Ano bang nangyari sa'yo?! Nasaan ka ba?! Pupuntahan kita!"


(Wag na Kaoru. Nasa tapat na ako ng bahay namin.)


"Loka ka pala eh! Bakit hindi ka pa pumasok?! Papatayin mo ba ang sarili mo?!"


Grabe to. Sakit sa bangs. Dinadamdam niya pa rin ba yung nangyari kanina sa canteen? Lalo lang tuloy ako nag-alala.


(Okay lang ako, maniwala ka. Physically. Pero emotionally *chuckle*, mamamatay na ako sa sobrang sakit.)


"HAAA?! Hoy babae! Anong nangyayari?! Wag kang ganyan! Tinatakot mo ako eh!"


(Wala na Kaoru! Tapos na ang lahat! He broke up with me. Ayaw na niyang ituloy ang engagement. *sob* Mas mahal niya si ate Freya! He chose her. Ang sakit. Anung gagawin ko? Ano nang mangyayari sa akin?)




0_______________0


"P-penny. Tinapos niya na ang engagement niyo?"


(Oo! Mas pinili niya si ate Freya! Hanggang ngayon siya pa rin! Failed ang Oplan natin Kaoru. Hindi ko siya napa-ibig. Kaoru, ano ang gagawin ko? Mas...m-mas...masakit.....pa....ito...kesa sa...*pant*...sa dati. P-paano--) may kumalabog sa kabilang linya.


Nakaramdam ako ng panic.


"Penny?! Penny?! Anong nagyayari? Penny! Sagutin mo ako!"



*toot* *toot*



*end of flashback*





Hinimatay pala siya noon. Buti nalang at nakita siya kaagad ni kuya Philip kung hindi, baka napulmunya na siya. Pero nilagnat siya, 4 days na. At hindi siya pumasok ngayon.


Kaya hindi niyo ako masisisi kung sa ginagawa kong ito. Galit na galit ako sa lalaking ito! Gusto ko rin siyang saktan. At walang makakapigil sa akin.







Napabitaw siya sa shinai ko at parang nagulat sa mga nalaman niya.


"Ano?! Tama ako diba?! Napaselfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo! Kung si Penny, hindi makuhang magalit sa yo, pwes, ibahin mo ako! I despise you!"



Napayuko siya at itinutok yung dulo ng shinai sa ulo niya. "You can hit me wherever you want. I won't complain. I deserve it."



Lul! You deserve more than this! Dapat sa'yo nilulumpo!


Hinawakan ko nang mahigpit ang shinai at handa na siyang hampasin ulit.




"HAAAAAAAA!"



Nung malapit nang dumapo sa ulo niya ang shinai, may biglang sumangga nito.


Si Alistair.



"Tabi diyan kung ayaw mong madamay!" sigaw ko.


"Stop this nonsense," sabi niya tapos kinuha sa kamay ko ang shinai at hinila ako papalayo kay Vaughn.


Bakit ba siya nakikialam?! >.<


Badtrip to!


"Di pa tayo tapoooooos!" sigaw ko kay Vaughn.


"Manahimik ka nga," bawal sa akin ni Alistair.


Letsugas na lalaking 'to. Panira kahit kailan!




Dinala niya ulit ako sa kung saang parte ng school. Yung walang gaanong tao.


"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Hindi pa ako tapos sa kanya!" pagpupumiglas ko.


"Stop it," mariin niyang sabi. Hawak pa rin ako sa wrist.


"Bakit ba nakikialam ka?! Huh?! Kaibigan mo siya?! Eh ano ngayon?! Wala kang kinalaman dito kaya bitiwan mo ako!" Parang bakal ang kamay niya. Pilit ko nang kinakalas ang pagkakakapit niya pero hindi ko kaya. Siya naman, nakasteady lang at hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon.


"Hindi kita bibitawan."


"Letse! Bitiwan mo ako kung ayaw mong ibunton ko sa'yo ang galit ko. Ipaghihiganti ko pa ang bestfriend ko! Kulang pa ang hampas ko doon sa hayup na yun!"



"Shut up! Tumigil ka na! Pwede ba?!" sigaw niya.



Napahinto ako. Nakakatakot. Galit na galit na siya.


"Palagay mo ba, matutuwa si Penny diyan sa pinag-gagagawa mo?! Palagay mo ba, nakakatulong ka sa kanya?! Hindi! Nagsasayang ka lang ng pagod mo! Pinagmumukha mo lang tanga yang sarili mo! Ginugulo mo lang lalo ang sitwasyon! You're just causing trouble to everyone!" napahawak siya sa sentido niya.



0____0



Natigalgal ako sa sinabi niya.




Totoo ba yung sinabi niya? Hindi ba sasaya si Penny kung sasaktan ko si Vaughn?


Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Eh anong gusto mong gawin ko?! Wala akong magawa," humikbi ako. "Wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. My bestfriend is hurting, Alistair. And I can't do anything about it," tinakpan ko yung mukha ko at napaupo sa lapag.


"Hindi ko kayang saktan si Vaughn emotionally. Ito lang ang naisip ko, ang saktan siya physically. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ni Penny kahit papaano," patuloy ko.


"Pagod na ako Alistair. Pagod na pagod na akong nakikita siyang ganun. Hindi mo alam kung gaano siya nagdusa dahil sa lalaking yan! Bata palang kami, mahal na mahal na niya si Vaughn. At bata palang kami, nasasaktan na siya dahil hindi siya magawang mahalin ni Vaughn. At ako, akala mo ba madali lang sa akin na panuorin siyang ganyan? Hindi Alistair! Bawat luha niya na tumutulo, parang kutsilyo na tumatarak sa dibdib ko! Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin! Nasasaktan ako eh. Nasasaktan ako para sa kanya!"



Penny. My poor Penny. Anong pwede kong gawin para sumaya ka ulit? Bakit kasi siya pa? Bakit hindi mo magawang ibaling sa iba ang nararamdaman mo?


Naramdaman kong umupo rin si Alistair kaya napatingin ako sa kanya. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya.






My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon