Chapter 4: Friends?

38.9K 428 56
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 4: Friends?

PENNY

 

"V-vaughn," bulong ko.

Siya lang pala. Pero bakit ganon? Mas matindi pa ang kaba ko ngayon kesa kaninang akala ko multo siya.

Tumawa ulit siya pagkatapos ay umupo siya sa swing na katabi nung sa akin.

"Sorry ha. Nagulat yata kita. Don't worry. I won't eat you,” nakangiting sabi niya.

 Ang gwapong multo naman pala nito.

Bakit pati tawa niya, ang gwapo? Kinkilig tuloy ako.

"A-aa..wala yon. Magugulatin lang talaga ako..ha...ha..ha," ninenerbyos na sabi ako.

Bigla siyang tumawa nang malakas. “Takot ka pala sa multo! HAHAHA!”

 Ay? Tawanan daw ba ako. -.-

Tumingin siya sa akin pagkatapos napakamot ng ulo. "Sorry."

Yumuko lang ako. Nag-iinit na naman ang pisngi ko.

"Ang cute mo kasing matakot eh," naaliw na sabi niya.

Huh? "E-eeh!?" A-anong sabi niya!? Cu-cu-cute raw ako!? Oh em! Napakagat ako sa labi ko. Ayokong tumili sa kilig!

Tumawa lang ulit siya sa reaksyon ko. “By the way. Bakit narito ka mag-isa? Ayaw mo bang sumali sa mga parlor games doon?”

"H-hinahanap ko kasi si momma eh. Tapos nakita ko tong garden," sabi ko habang kinukutkot ko yung daliri ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Sobrang nahihiya ako.

"Ang ganda rito no? Pakana lahat ito ni mama. Mahilig kasi yon sa roses. Dito ako pumupunta kapag gusto kong mag-unwind."

Napatingin ako sa kanya. Pinagmamasdan niya yung paligid. Punong-puno ng love sa mukha niya. Mukhang love na love niya talaga ang mama niya.

Nag swing siya nang mabagal.

Tinularan ko siya. "Uhmm, love na love mo ang mama mo no?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko at tumingin sa akin.

Ngumiti siya.  "Pareho ko naman silang love ni Papa. Mas malapit lang loob ko kay mama."

Nag nod ako. Wala akong masabi kasi nahihiya pa rin ako sa kanya. Kasi naman nag-smile na naman siya nang nakakapanglambot.

 "Napansin ko kanina, sobrang close niyo ng daddy mo,” nakangiti pa ring sabi niya.

Tumango ako. “Yup. Ako kasi ang nag-iisang babae tapos bunso pa. Kaya ayun, spoiled ako. Yung dalawa ko kasing kuya may sariling mundo na. Matatanda na kasi sila.” Pakiramdam ko, unti-unti na akong nagiging comfortable kausap siya. Medyo nawawala na nga yung kaba ko kanina eh.

Unti-unti, lumungkot ang mukha niya. Huminga siya nang malalim. "Sana ganyan din kami ni Papa.”

Nalungkot din ako.

 "Si Papa kasi laging work yung pinagtutuunan ng pansin," sabi niya pa.

Nakinig lang ako sa kanya. Habang nagsasalita siya, parang sumisikip din ang dibdib ko.

"Diba yung ibang father and son, nagpi-play catch pa. Hindi ko pa naranasan yon kahit kailan. Never pang nakipag bonding sa akin si Papa. Hindi naman sa galit ako sa kanya. Alam ko namang ginagawa niya ang lahat para sa amin eh. Medyo nakakatampo lang na doon niya na lang ibinuhos yung time niya," patuloy niya.

Lumungkot na rin yung mukha ko. Tapos medyo nangingilid na yung luha ko. Nakakaawa naman siya. Kahit pala gaano sila kayaman, hindi rin siya masaya.

Nararamdaman ko yung pain niya. Gusto niya lang naman magka time sa kaniya yung Papa niya eh. Maswerte pala ako dahil kahit busy si daddy, palagi siyang ay time sa amin.

Parang gusto ko tuloy siyang yakapin.

Holo! Anong sabi ko!? Ih! Naimagine ko tuloy! Erase! Erase! Malungkot ngayon si Vaughn. Hindi dapat ako nag-iisip nang ganon. Nakakaawa siya. Meron pala siyang ganon na nararamdaman. Naiiyak na rin tuloy ako. Napasinghot ako.

Bigla siyang humagalpak ng tawa. "HAHAHAHAHA!"

Nagtataka akong napatingin sa kanya. "U..na... ka... pang... umiyak... sa akin eh.  Hahaha!”  Hindi niya na mabigkas nang maayos yung sinasabi niya dahil sa kakatawa.

Natawa rin ako nang maisip ko yung sinabi niya. “Eh kasi naman kakahawa ka.”

"Silly girl!" tumatawang sabi niya. Tapos, pinisil niya ang pisngi ko.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Nag-iinit na naman ang pisngi ko.

 Napatitig lang din siya sa akin. Parang nagulat din siya.

 Nagkaroon ng kaunting katahimikan.

Una siyang nagsalita. “Salamat sa pakikinig sa akin ha? Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang comfortable ko sa yo,” nakangiting sabi niya.

Pakiramdam ko, namula na naman ako. "W-wala yon. Anytime.”

"So, friends?" sabi niya sabay lahad niya ng kamay.

Kyaaaaaa! Feeling ko magha-hyperventilate na ako rito. Nangiti rin ako. Inabot ko sa kanya ang kamay ko. “Friends.”

Lalong lumaki ang ngiti niya na halos hindi na makita ang mga mata niya.

Napa-inhale ako pero hindi ako makapag-exhale. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang umuusok ang tainga ko.

Pero nawala ang lahat nang ‘yon nang...

…BLAG!

 Nagslide yung pwet ko sa swing. Tapos tumama yung tuhod sa lupa. May bato pa naman.

Huhuhu! Bakit ba lagi nalang ako naglalanding sa may bato?

Nag slide yung pwet ko sa swing kasi naman nakakadistract yung smile niya!

"Hey, are you okay?" tanong niya habang inaalalayan akong tumayo.

Omo~ Nangyari na to ah. Déjà vu? Yun yata ang tawag doon.

Pinagpag niya yung dumi sa dress ko. Tapos lumuhod siya at tinignan ang tuhod ko. "Ay, may scratch yung knee mo."

"Ah?" Doon ko palang naramdaman yung hapdi ng tuhod ko.

Hinawakan niya yung kamay at braso ko para alalayan akong maglakad. "Tara sa loob. Gamutin natin," aya niya.

Parang may kuryente na dumaloy galing sa kanya. Napaatras tuloy ako. Ano ba yon? Bakit ganon?

Tumingin siya sa akin na parang nagtataka.

Umiling ako pagkatapos ay sumunod sa kanya.

 to be continued...

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon