Chapter 35: Perv Prince and Natsume-ish

31.1K 311 15
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 35: Perv Prince and Natsume-ish

PENNY
 

"Penny, sigurado kang ok lang na sumama ako dito?" hindi mapakaling tanong ni Kaoru.

Kasama ko siya dito sa isang café. Ipapakilala raw ako ni Vaughn sa mga kaibigan niyang kababalik lang galing sa Dartmouth. Si Skye at Alistair. Pangalan pa lang, parang mayayaman na talaga. Ito namang si Kaoru, nung sinabi kong samahan niya ako rito, naexcite nang bongga! Halos hindi na nga ako patulugin kagabi dahil sa kakatanong eh. May good feelings daw kasi siya rito. Pero nung nandito na, bigla na lang gustong umuwi. Kinakabahan daw siya.

 Una pang kinabahan sa akin. Siya ang ipapakilala sa kaibigan no? "Oo nga. Ang kulit naman oh. Uwi ka na kung gusto mo," nayayamot na sabi ko.

"Joke lang no. Pakiramdam ko, may magandang mangyayari ngayon!" sobrang laki ang ngiti na sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Sana nga. Felling ko kasi, hindi maganda eh. Naku! Napaparanoid na naman ako!

"They're here," narinig kong sabi ni Vaughn. Tapos lumabas siya.

Hinawakan ako nang mahigpit sa kamay ni Kaoru na halso bumaon na ang kuko niya sa balat ko. Ang sakit ha! "Relax ka nga lang!" gigil na bulong ko sa kanya. I removed her grip.

"Sana pogi! Yiiiih!" kinikilig na bulong ni Kaoru.

 Oh dear. Umiral na naman po ang kalantungan niya. "Eh kung kurutin kaya kita sa singit diyan? Nandito ka para samahan ako, hindi para manghunting ng fafa!"  

Inisnab niya ako. "Tse! Sama nito! Porket lumalab lyp ka na, inaapi mo na ako! Hindi ka na naa—” She gasped.

Napatingin ako kay Kaoru dahil hindi niya natapos ang sasabihin niya. Nakatulala siya sa may pintuan. Sinundan ko ang tingin niya.
 
Natulala rin ako nang makita ko si Vaughn kasama ang mga kaibigan niya. Shems! Nahawa ako kay Kaoru! Nakakasilaw sila! Ang gugwapo!

Teka! Yung isang kasama ni Vaughn. He looks familiar. Nang lumapit sila, doon ko napagtanto na siya nga ‘yon.

It is him! Hindi ako pwedeng magkamali! Si Perverted Prince! Bakit nandito siya!? Kaibigan siya ni Vaughn!?

Kinalabit ko si Kaoru. "Kaoru, kilala ko yung lalaking mas mahaba ang buhok. Siya yung kinukwento ko sa yong prinsipeng manyak," bulong ko.

Hindi sumagot si Kaoru. Tulala pa rin ang bruha. "Hoy! Anong nangyari sa’yo?" sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya.

Hindi siya natinag.  "Natsume…" sabi niya.

Tinignan ko kung sino yung tinititigan niya. Isa sa mga kaibigan ni Vaughn. Yung naka-pamulsa at mas maigsi ang buhok. Tinamaan yata 'tong bruhang 'to!

"Hindi si Natsume yan! Ano ka ba!?" bulong ko. Porket naka poker-face lang nang pumasok dito, Natsume na kaagad!?

Nakangangang sinundan ng tingin ni Kaoru yung lalaki. She sighed.  "Hmmmm..." sabi niya pa pagkadaan sa harap namin nung lalaki.

Tumingin siya sa amin sandali na ikinakilabot ko. Kakaiba siyang tumitig! Nakakakilabot! 

Nginitian naman siya ni Kaoru.

 "Hn," isnab nung lalaki tapos nilampasan lang kami.

Napakunot ang noo ko. Hn!? Ano naman yon? May word bang ganon?

Ay, parang may alam ako na laging naka-‘Hn’ . Si Natsume, sino pa ba? Kaya ganyan katulala ang bruhang yan! Pareho sila ni Natsume! Hala! Patay na!

Napatingin ako kay Kaoru na panay ang buntong hininga. Naku! Wala na! Nasiraan na ito ng bait.

Nadistract ako nang lumapit sa amin si Perv Prince. At nanlaki ang mata ko sa sunod niyang sinabi.

SKYE

"Bro! Excited na ako makilala yung fiancée ni Vaughn!" sabi ko kay Alistair habang naglalakad kami galing parking lot. We’ll meet Vaughn’s fiancée today. I just can’t wait to meet that unlucky girl.

 "Bakit? Para maagaw mo?" straight face na tanong ni Alistair.

Siniko ko siya. "Of course not! May prinsesa na nga ako diba? Yung damsel in distress na tinulungan ko!"

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon