Chapter 43: Voice of Hidden Feelings

31.1K 353 59
                                    

Chapter 43: Voice of Hidden Feelings

SKYE

"Wag muna tayong umuwi," sabi ni Penny habang na sa loob na kami ng sasakyan.

I sighed. She looks really down. This is all Vaughn’s fault! When I see him, I’ll strangle his neck! It pains me to see her this way. Kanina, I really want to hunt Vaughn down. How could he make Penny wait!? How could he make her cry!? I won’t forget the pain in her eyes. "Saan mo gustong pumunta?"

"Kahit saan. Basta yung lugar na hindi ako makakapag-isip at hindi ako mag-iisa."

Napangiti ako. "I know a wonderful place that will surely cheer you up."

Napatingin siya sa akin. There's sadness in her eyes. Sarap tuloy bangasan sa mukha ng lalaking yon eh! “Oh. Bar? Inuman? Tara."

I pinched her nose. "Silly. Of course not. Gusto mong nasapak ako ng mga kuya mo at papa mo? Basta. Just see."

Dinala ko siya sa isang ice cream parlor na madalas kong pinupuntahan.

Nanlaki ang mga mata niya. "Wow. Meron palang ganitong lugar dito. Ngayon ko lang nalaman to ah!"

I smiled. "Yep. This is my secret hide out."

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa akin. "Really!? Ikaw!? Secret hide out ang isang ice cream parlor!?"

Humagalpak ako ng tawa. She actually believed it. "It was a joke! Pero madalas akong tumatambay rito. Ang ganda kasi ng ambiance. Nakakarelax."

Tumango tango siya at tinignan ulit ang store. "Mukha nga."

Niyakag ko siyang umupo doon malapit sa glass door. Sana kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya rito.  

Lumapit sa amin yung isang waitress at inabutan kami ng menu. "May I take your order?"  

"Anong flavor ang gusto mo?" tanong ko kay Penny.

Tinitigan niya ang menu at parang pinag aralan pa ito. "Hmmm. Rocky road. Yung maraming maraming marshmallow at mani. Pakidagdagan mo rin ng chocolate, gusto ko dark chocolate. Pakilagyan rin sa ibabaw ng strawberry dip," walang buhay na sabi niya. Pagkatapos ay isinarado ang menu at ibinalik ang tingin niya sa lamesa.

Napataas ako ng kilay. Ganito ba siya kapag depress? Dinadaan sa pagkain ng ice cream? "That's her order. Mine is cookies and cream. Pakidagdagan ang cookies," sabi ko doon sa waitress.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya habang hinihintay namin yung order.

"Sa hitsura kong to, mukha ba akong okay?" matamlay pa rin na sagot niya.

Kung naiba siguro ang sitwasyon, baka natawa na ako sa kanya. Nagtanong pa ako, obvious nga naman pala. "I'm sure he has his reason." Naisip ko, ang bait ko pala talagang kaibigan. Ipinagtatanggol ko pa siya.

She snorted. "Siguraduhin niya lang na valid reason yon. Kung hindi, makakatikim sa’kin yon."

"I'm sure hindi niya sinasadya yon."

Humugot siya nang malalim na hininga. "Let's not talk about him. Lalo lang sumasama ang loob ko."

Ngumiti ako. "What do you want to talk about?" tanong ko.

Napatingin siya sa akin na para bang nag iisip siya. "Come to think of it, ilang buwan na tayong magkasama pero wala akong alam na bagay tungkol sa’yo. Ang alam ko lang, best friend ka ni Vaughn. Pero bukod doon, wala na," she said.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon