Chapter 41: Stars

33.2K 402 89
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 41: Stars

PENNY

Ay talaga namang sumusobra na ang lalaking ‘to! Tama ba namang kaladkarin ako?! Tao ako, hello! Hindi ako manikin na pwedeng kaladkarin nang hindi nasasaktan! Tumigil kami sa empty room na katabi lang ng theater.

"Care to explain?" sabi niya. Galit pa rin.

Napaawang ang labi ko. Aba! Siya pa talaga ang galit ha!? "Wala naman akong dapat iexplain sa yo," sabi ko sabay iwas ng tingin.

"D*mn it Penny! You never showed up yesterday! I’ve waited for you and looked for you for how many hours. Pagkatapos ngayon, makikita ko ‘yon!?What do you expect me to think!? Sabihin mo sa akin kung ano yung nakita ko!" sigaw niya.

"Eh ano ba kasi yung nakita mo!? Hirap sa’yo, magagalit ka nang ganyan nang hindi mo sinasabi nang maayos ang nakita mo!" Sinigawan ko rin siya. Anong feeling niya? Magpapa-api ako sa kanya? Nevah! Wala akong ginagawang masama no! Siya pa nga ang may atraso sa akin eh.

"You and that bastard, flirting with each other!" straight face na sabi niya.

Pakiramdam ko umusok ang tainga ko. "Flirting? Really? Look who's talking! Sino kaya ang enjoy na enjoy sa piling ng isang witch!"

"Don't change the topic Penny! I'm asking you, WHAT. WAS. THAT!?"

Pakiramdam ko, sasabog na ako sa inis. "Kung ano ang nakita mo, yon na yun! Wala na namang dapat iexplain doon eh!" 

Natigilan siya. "So, he really is your boyfriend? D*mn! Hindi ko alam na ganyan ka pala." Tinignan niya ako na parang diring diri siya sa akin.

@#$%#%#$&*%$! Lintek! Please! Ayokong magkasala!  "JERK! HE IS NOT MY BOYFRIEND! YOU HEAR!?" bulyaw ko. Bwiset! Malapit na akong mapuno dito.

"Eh ano pala!?" sabi niya habang nakataas pa ang isang kilay.

"Don't yell at me! Will you!?"

"You're the one who's yelling, stupid! If he's not your boyfriend, then, who is he!?"

Malapit na. Malapit na malapit na talaga. "He's a stalker! Makulit na manliligaw! There! Masaya ka na!?" Siguro pulang pula na ang mukha ko sa galit.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Really? Ikaw may manliligaw? Weh? Bakit ganon makahawak sa yo!? At nagpapahawak ka naman!"

Takte! Kukutusan ko na talaga ‘to! "Buset! Anong palagay mo sa kin!? Tsaka, oy, siya ang dikit nang dikit sa akin, okay!? Ikaw pa talaga yung galit ha! Kapal mo tol! Ngayon, ikaw naman ang mag-explain! Why didyou say that!?" 

"Said what? Teka nga! Bakit ba ikaw pa ang galit ngayon!? Huh?" he asked in a clueless tone.

Potek! Nakakaasar na talaga ah! Punong puno na ako! Punong puno! "Gusto mo, isa-isahin ko talaga? Fine! First, you ignored me for 2 days! Noong una, oo, alam kong galit ka dahil bigla na lang akong nawala. Pero kasama ko non si ate Vanessa at ayaw niyang sagutin ko ang tawag mo! Second, you flirted with that...that..witch in front of me! And third..the hell..you humilliated me in front of that b*tch! You denied me in front of her! Alam mo ba kung gaano ako napahiya non sa harapan nila!? Nagmukha akong slut na hahabol-habol at patay na patay sa yo!" naluluhang sabi ko.

 Gulat siyang napatingin sa akin. “Y-you heard that?”

"Oo. Loud and clear. Kung ikinahihiya mo ako, you should have told me! Para alam ko kung saan ako dapat lumugar. Hindi yung nagmumukha akong tanga sa harapan ng iba! Lechugas lang kasi eh! Alam mo yon? Nakita mo na sila bago pa yon eh. They were up to something. Pagakatapos, nang tanungin ka, bigla kang babanat nang ganon!? ‘I don't even know her’ crap! You denied me! Hindi lang ‘yon, itinaggi mo pang kilala mo ako!” Malapit na! Malapit nang tumulo ang luha ko! Atras! Atras!

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon