Chapter 20: My girlfriend and my girl friend

31.6K 356 79
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

Chapter 17: My Girlfriend and My Girl Friend

 
VAUGHN
 

 I sit comfortably under my tree. Napag usapan namin ni Freya na magkikita kami ngayon dito. May mahalaga raw siyang sasabihin.

Ano naman kaya yon? Itong mga nakaraang araw, ang weird ng mga ikinikilos niya. Minsan, bigla na lang siyang aalis kapag kinausap ko siya. Parang iniiwasan niya ako. She’s confusing.

 
Transfer student siya. Noong una wala akong paki alam sa kanya. Pero kakaiba siya. Napaka-kulit niya at natutuwa ako sa kanya.

*Flashback*

 
Nagpapahinga ako sa ilalim ng puno ko. Ganito lagi ang ginagawa ko tuwing vacant namin. This is better than dealing with those annoying girls. At least dito, walang mang iistorbo sa akin. Takot lang nilang pumunta rito.

 
"IWAAAAASSS!" sigaw ng isang babae.

Napatayo ako. I saw a flying shoe coming straight to my face. I dodged it before it hit my precious face.

Phew! 

Tch! What the hell!? Muntik na akong tamaan doon ah. May takong pa naman yung sapatos. Kung nagkataon, magkakaroon ako ng malaking bukol.
 
May lumapit sa akin na isang magandang babae. Teka, siya yung bago kong kaklase.

"Sorry po kuya! Sorry! Sorry!" sabi niya habang nagbo-bow. She reminds me of someone.

But nevermind. She almost hit me! Tinaasan ko siya ng kilay.

 "What was that for!? May galit ka ba sa akin!?" galit kong tanong sa kanya.

 Napakamot siya ng ulo. "W-wala naman," nahihiyang sabi niya.

 I glared at her. "Wala pala! Bakit mo ako pinaliparan ng sapatos!?"

"Hindi ko naman talaga sa iyo patatamain yun eh. Para yon doon sa isang bastos na lalake. Hindi ko naman sinasadya na sa iyo patamain. Sorry na kasi! Nag-sorry na naman ako eh."

 
Umiling-iling ako. "Geez. Whatever," sabi ko tapos tumalikod ako sa kanya. I don’t have time for this.

"H-hey!" sigaw niya.

 I looked at her annoyingly. "What!?"

"Di ba classmate tayo?" sabi niya.

"And so?"

“Libre nalang kita para makabawi ako sayo,” she said smiling.

 Sobrang wide ng smile niya.Yung parang mapupunit na ang pisngi sa ngiti.

"No need. Ayos na yon," sabi ko. Bakit ako magpapalibre sa isang babae na ngayon ko lang nakilala? Kahit na ba maganda at sexy siya.

"I insist! Dahil sa akin, muntik nang mabangasan yang mukha mo," pagpupumilit niya.

 "Wag na nga. Hindi naman ako nasaktan." Tumalikod na ako at naglakad palayo.

 Tumakbo siya at sumabay maglakad sa akin."Kahit na! Sige na! One time lang. Gusto ko ring magkaroon ng friend eh. Wala pa akong nakaka-usap dito sa school. Tutal magkaklase naman tayo, pwede tayong maging friends." 

 What the—!? Hindi ba siya nakakaintindi!? She’s seriously annoying me.
 

"Sige na! Minsan lang naman oh. Don't worry hindi kita gagawan ng masama. Mabait naman ako eh. Hindi nam—"

Tumigil ako at humarap sa kanya. “Are you flirting with me?” amuse na tanong ko.

Namula siya. “O-of course not! Ang kapal mo naman! Parang niyaya lang kitang mag-lunch para makabawi ako, flirting na kaagad!? Aba! Dapat magpasalamat ka dahil minsan lang ako manlibre at—”
 
Iniharang ko ang kamay ko sa may mukha niya para tumigil siya. "Okay fine. Wag ka na lang dumaldal nang dumaldal," naiiritang sabi ko. Grabe, sumakit ang tainga ko roon ah.

Her face lit up. "Talaga!? By the way, ako pala si Freya. What's your name?"

"Vaughn," matipid kong sagot.

"Ilang taon ka na? San ka nakatira? Anong favorite color mo? Anong favorite food mo? Sino ang ma—"

"Hindi ba sabi ko wag kang dumaldal? Aalis na lang ako," banta ko. Parang AK-47 ang bibig.

 Yumuko siya. “Sorry.”

"Tch!" umiiling na sabi ko.

“Sunget mo! Bleh!”

Tiningnan ko siya nang masama. Nginitian niya ako nang malaki.
 
Nangiti rin ako. She reminds me of my mom.
 

*end of flashback*

 
Simula non, unti-unti, naging malapit na kami sa isa't isa. Kung dati, iba-iba ang kasama kong babae, ngayon, halos siya na lang palagi ang kasama ko. Ang akala nga ng iba, kami na at seryoso raw ako sa kanya. Hindi na lang namin pinapansin.

 May mga kilos siya na talagang nakakapagpa-alala sa akin sa mama ko. Lalo na yung pagsuporta niya sa akin, mga pag-ngiti niya, at mga payo niya. She's also a sweet person. Para ngang may nadi-develop na akong feelings para sa kanya.

She also reminds me of a certain girl. A girl that is just a part of my past. A girl, together with my feelings, that I learned to overlook.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon