Chapter 46: Choices

28.5K 329 93
                                    

NOTICE: Edited chapter na po ito. Kaya wag kayong magugulat if iba na ang style sa mga susunod na chapters.

 

Chapter 46: Choices

PENNY

I can't believe my eyes. Is it really her? She's back. The girl who caused me pain. She's standing in front of me. Totoo ba to? O namamalik mata lang ako? I blinked many times. Gusto ko lang siguraduhin kung guni-guni ko lang ‘to.

She's still there—standing in front of me, wearing her biggest smile. Hindi ako namamalik mata. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko noong bata ako, bumalik lahat.

"Oh? Hndi ka ba masayang makita ulit ako? Namiss kita ng sobra!" She hugged me again.

"A-ate," I breathed. She’s really here. I can’t believe it. There's a part of me na masaya rin dahil nakita ko ulit ang isang kaibigang matagal kong hindi nakita. Noong umalis kasi noon si Vaughn, bigla na lang ding nawala si ate Freya. Wala na kaming balita sa kanya non.

Pero sa ngayon, nangingibabaw ang takot. Takot na baka iwan ako ni Vaughn dahil sa kanya. Sa pagkakatanda ko, hindi pa rin nakakalimutan ni Vaughn si ate Freya. 

I mentally shook my head. No! Think positive! Nararamdaman kong mahal na rin ako ni Vaughn. Hindi niya ako iiwan. He will choose me.

Kumalas siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. "Kumusta ka na? Dalagang dalaga ka na ah. Ang ganda mo! Kumusta na si Kaoru? Magkasama pa rin ba kayo hanggang ngayon?" tuloy tuloy na tanong niya.

I nodded. "O-opo. Medyo busy lang siya ngayon." Ngumiti ako ng pilit.

She laughed. "Ano ka ba? Bakit parang nahihiya ka pa rin sa akin? Ako pa rin naman ito eh. You can talk to me comfortably."  

"S-sorry ate. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na bumalik ka na. Buti napadalaw ka?" tanong ko.

"Oh right! Hindi ko pa pala nasabi. Mag-tatransfer ako rito next semester. Kaya ako nandito, para mag-inquire at para na rin mabisita itong school. I will take Engineering! Bongga diba? Sana kayanin ng utak ko.  Nakakatuwa nga eh. Pwede na tayong mag-kasama ulit nina Kaoru!" masayang masaya na sabi niya.

Kinabahan ako bigla. Dito rin? Engineering? Ibig-sabihn, may possibility na magkaklase ulit sila ni Vaughn.

I just smiled. But deep inside me, nakaramdam ako ng takot at sakit. Pwedeng maulit nanaman ang nangyari dati.

She sighed. "Alam mo ba, namiss ko ‘to ng sobra. Ang dami kong masasayang ala-ala rito. Ang dami na palang pinagbago nito mula nung umalis ako.” Inilibot niya ang paningin niya.  “Kumusta na kaya si Vaughn? I miss him," she whispered but loud enough for me to hear.

Napayukom ako ng palad. She still loves Vaughn. And it hurts me, so bad.No Penny. Kahit na gusto niya pa si Vaughn, ikaw na ang mahal niya ngayon.

Napalingon kaming dalawa ni ate Freya nang may mabasag sa may likuran namin.

“Vaughn!” sabay naming sabi ni ate. Nabitawan niya ang bote ng inumin niya.

His eyes are wide. He’s clenching his fist. At nakatitig kay ate Freya. "F-freya," he said. Gulat na gulat.

"I-I'm sorry. I need to go," sabi ni ate Freya bago dali daling umalis.

"Wait!" sigaw ni Vaughn. 

Heto na ang ikinatatakot ko. No! Hindi ako makapapayag. Tama na ang pagpaparaya ko dati. Hahabulin sana ni Vaughn si ate Freya pero pinigilan ko siya. "Huwag mo siyang habulin!" I shouted. 

Napahinto siya.

Pinigilan ko ang luha kong lumabas. Crying is a sign of weakness. Hindi ko pwedeng ipakita yon. 

Napatingin siya sa akin. There's confusion all over his face.

Umiiling akong lumapit sa kanya. "Don't," I said as I held his wrist.

My Crush, My Love, My FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon