Chapter 15: Candy

22 3 18
                                    

Her Side

Ilang linggo na rin ang nakalipas. Parang hindi ko kinayang tinitiis lang ako ni Ryle. Ewan, basta, gano'n ang pakiramdam ko.

I pressed the door bell on their gate. I bit my nail as I stare on the ground. Pakiramdam ko ay sobrang kahihiyan ang pagpunta sa bahay nila.

Tama! Kahihiyan 'to.

Tumakbo ako pabalik sa kotse ni Ate Sharly pero wala pa sa kalahati ang layo noon sa akin nang bumukas ang gate.

Arggh! Shit!

I'm wishing to disappear. If totoo man ang teleportation or ang black dimension, pwede bang magawa ko yun or makapasok ako roon?

"Shanty?" dahan-dahan akong lumingon kay Tita Mylene na tumawag sa akin. Awkward akong napangiti sa kanya. "Si Ryle ba ang hinahanap mo? Halika! Kain tayo, saktong-sakto ka para sa lunch." hinawakan niya ang kamay ko pero napatigil nang mapansing hindi ako umiibo sa pwesto.

"T-Tita, a-ano po kasi, eh." napakamot ako sa sintido sa hiya. Napangiti naman siya at umiling-iling.

"Alam ko na ang problema mo. Ako ang bahala sa 'yo." kinindatan ako ni Tita Mylene bago ako hinila papasok sa bahay nila. Mixture of brown and white ang bahay nila Ryle. Puro kahoy rin ang furniture na bumagay naman. Their house was quite huge for the three of them. Masyadong malawak na pinagtatakhan ko: nagkikita-kita pa ba sila sa loob ng bahay na 'to?

Hinila ako ni Tita Mylene patungo sa dining room nila. And as usual, made of wood rin ng dining table and chairs nila. Ang daming pagkain na inihanda. Nakita kong nakaupo na sila Tito Ryan at Ryle sa kanya-kanya nilang seats. Nasa pinakadulo si Tito at sa pinakagitna dahil siya ang padre de pamilya, sa kanan niya siguro si Tita dahil bakante yun, at nasa kaliwa niya si Ryle na nakatalikod sa direksyon namin.

"I have a guest here, guess who?" humagikhik si Tita kaya naagaw namin ang atensyon nila. Agad na napatayo si Tito Ryan at sinalubong ako ng beso for casualty na rin. Habang si Ryle naman ay parang natuod sa inuupuan, gulat na gulat habang nakatingin sa akin. Akala mo naman nakakita ng multo!

"Why are you here?" he asked coldly that surprised the hell out of me! Gosh! After ng lahat, magiging cold siya bigla?! Ang babaw niya naman para umaktong ganito, eh binasted ko lang naman siya.

Pero hindi ko naman talaga siya binasted.

Ayy, bwisit siya!

"In-invite ko siya rito para sa lunch." ngumiti si Tita at tinapik ang balikat ko. "Maupo ka na sa tabi ni Ryle, hija." sabi niya na sinunod ko.

"How's Sanjo?" tanong ni Tito habang naggagayat ng steak. Kumuha na rin naman ako ng kanin habang sumasagot sa tanong niya.

"Nasa Singapore po siya ngayon. Nagka-problem po kasi sa isang branch ng company doon." sabi ko habang pilit inaabot ang steak na nasa kanan ni Ryle. Ang layo!

Mukhang hindi naman niya ako natiis dahil inabot niya sa akin yun. Napangiti na lang ako ng palihim habang kumukuha ng steak.

"Napakasipag talaga ni Sanjo, sabihin mo masyado na kayong yumayaman dahil sa kasipagan niya." sabay kaming natawa ni Tito dahil doon.

"Eh si Maj? Kumusta na?" tanong naman ni Tita Mylene. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"She's fine, busy rin po sa hospital." sabi ko.

"Ah, eh yung mga kapatid mo? Sharly and Shanel?" tanong ulit ni Tita Mylene

"Ma, stop asking her questions. Kumakain siya, oh." walang emosyong sabi ni Ryle kaya napasimangot ako.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now