Chapter 43: Easy Victor

21 2 0
                                    

His Side

Sinundan ko si Freyah. I insisted to give her a ride, hindi naman siya tumanggi kahit alam ko na sobra siyang nafu-frustrate sa akin.

"Dito na lang ako," sabi niya at tinuro ang tabi.

"What? Doon pa ang bahay niyo 'di ba?" tanong ko at tinuro yung bhay nila na medyo tanaw ko na naman.

"Yup, 'yun na lang. Kaya rito na ako. Bumalik ka sa party dahil baka magtampo sa 'yo si Lance 'pag bigla ka na lang nawala." tinigil ko na ang sasakyan kahit ayoko pa. "Pakisabi na lang na sumama ang pakiramdam ko kaya ako umuwi. Good night, Ryle." malamig na sabi niya at bumaba. Pinanood ko muna siyang maglakad papunta sa bahay nila bago ako umalis.

Totoo namang nakakasakal ang pagseselos ni Freyah at ayoko noon. Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko, gano'n din ba ang pakiramdam ni Shantelle nung pigilan ko siyang umalis?

Mabilis din akong bumalik sa bar dahil alam kong hinahanap na nila ako. Ang daming texts ni Vincent.

Napatigil ako pagkapasok nang marinig ang napakapamilyar na boses, nasa stage siya. Nakatayo habang may hawak na microphone.

All this money can't buy me a time machine, no
Can't replace you with a million rings, no~

Her cold voice. How I missed her. Nagtagpo ang mga mata namin pero agad din siyang nag-iwas. Iginala ko ang paningin at nakitang tutok na tutok ang lahat kay Shantelle na madamdaming kumakanta. Napakurap ang mga mata ko nang tingnan niya ulit ako.

In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world
In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away~

Gusto kong lumapit, gustong-gusto ko siyang hawakan, gustong-gusto ko siyang yakapin. Pero paano 'yun? Iba na ang sitwasyon namin? Wala ng kami, hindi na 'yun maibabalik lalo na't pareho na kaming hindi puwede.

Nagi-guilty ako, hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko. Alam kong masasaktan ko si Freyah lalo na 'pag nalaman niya. Alam kong magagalit siya sa akin. Bakit ba kasi ang hirap pilitin ang sarili na mahalin ang isang tao? Bakit pilit tayong bumabalik sa taong hindi naman para sa atin? Bakit ang hilig nating manakit ng iba habang sinasaktan ang sarili natin?

Natapos ang pagkanta niya, nag-iwas siya ulit ng tingin saka bumaba ng stage. Napagdesisyunan ko na ring bumalik sa couch namin.

"Ang galing mo talaga kahit kelan! Shantelle lang malakas!" natatawang sabi ni Yuan at nakipag-high five kay Shantelle.

"Saan ka galing, Ryle?" seryosong tanong ni Lance, napatingin naman sila sa akin.

"Oo nga, 'tsaka si Freyah? Nasaan 'yun?" tanong ni Yuan.

"Hinatid ko na, masama raw ang pakiramdam niya." sabi ko.

"Eh? O nag-away kayo? Kita ko 'yun!" pang-aasar ni Karlo kaya agad siyang siniko ni Vincent. Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita.

"Ryle," tawag ni Lance. Tumingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya, "Wala ka bang performance? Yung tatlo, sumayaw na kanina." natatawang sabi niya, nag-iwas naman ng tingin ang tatlo at naghagikhikan.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now