Chapter 13: Sky Ranch

31 3 8
                                    

Her Side

"Oh," napatingin ako sa pagkaing inilahad ni Ryle. Tinanggap ko na lang at tahimik na kumain.

Pagkatapos ng munting confession niya ay dumiretso ako sa viewing deck dito sa Sky Ranch kung saan tanaw na tanaw ang napakagandang view ng Taal Volcano. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan 'yon. Napangiti na lang ako dahil sa ganda ng shot.

"Gusto mong picture-an kita?" tanong ni Ryle, hindi siya makatingin sa mata ko. Naiilang din siguro siya. Binigay ko na lang ang phone ko at hindi na umimik. Kinuha niya rin muna yung kinakain ko para makapag-pose ako.

Sinuklay ko muna ang buhok kong nakalugay at tinatangay ng hangin gamit ang kamay ko bago tumingin sa camera at ngumiti. Nag-flash ang camera. Akala ko ay ibibigay niya na ang camera pero sinet niya sa front camera bago itinapat sa aming dalawa. Ngumiti na lang ako, gano'n din siya, bago nya i-click. Inabot niya sa 'kin ang phone at ang pagkain ko.

"Saan ka bumili ng foods?" tanong ko dahil natagalan siya sa pag-bili.

"Sa food kiosks. Bakit? Hindi ba masarap?" Kinakabahang tanong niya, umiling agad ako dahil masarap naman siya. Tumingala ako dahil ang ganda ng langit. Maganda ang sikat ng araw ngayon, pero nagtatago siya sa likod ng nagkakapalang puting ulap. I find it so relaxing.

"Did you see Glaiz?" tanong ko kay Ryle na biglang natigilan sa pagkain. Tinaasan ko siya ng kanang kilay bago kumagat sa pagkain. What's with his reaction? Is there something wrong?

"'Yun na nga," kumamot siya sa tabi ng tenga bago ngumiwi. "H-Hinanap ko yung shuttle bus, k-kaso..." what the heck?! Don't tell me... "Naiwan tayo, Shantelle." bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya.

"What?! Nando'n yung bag ko, Ryle!" reklamo ko at napasapo sa noo.

"Yung akin din." sarcastic na sabi niya, sinamaan ko naman siya agad ng tingin.

"Pwede ba? I have no time for your sarcasm!" sabi ko at cinontact ni Glaiz. "Cannot be reached!" reklamo ko. Sunod kong tinawagan si Princess, block mate din namin. Pero nakapatay ang phone. "Bakit ayaw?! Shet! Naroon ang bag ko! Bakit hindi nila napansin na wala tayo? Hindi man lang ba muna sila nag-attendance?! Paano tayo uuwi? Bakit hindi man lang ako minessage ni Glaiz? Eh yung iba nating blockmates? Bakit hindi nila chineck kung kumpleto na ba tayo or hindi?! Bwisit! Bakit hindi ma-contact?!" nagpa-panic na ako dahil doon. Nanlulumo kong naibaba ang phone at nawalan ng pag-asa. Tiningnan ko si Ryle na kumakain lang at parang walang pakialam.

Ang haba-haba ng rants ko, hindi man lang niya pinakinggan?!

"Oyy!" hinampas ko siya ng malakas sa braso kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Ano ba?!" medyo muffled ang boses niya dahil may kinakain siya.

"Bakit parang wala lang sa 'yo na naiwan nila tayo? Hindi ka ba nagwo-worry?" inis na tanong ko. Pinanlakihan niya ako ng mata at 'tsaka nilunok ang kinakain niya. Uminom din muna siya ng tubig bago magsalita.

"So what kung naiwan tayo? Wala ba akong kotse or service? Wala ba akong pera? Wala ba akong phone? Okay lang na maiwan ako, at least may mahaba akong time para maglibot dito." sabi niya, pinanlisikan ko siya ng mata.

"Ang selfish mo! 'Di bale sana kung ikaw lang, eh! Paano ako?!" tanong ko, paiyak na talaga ako. Swear! Isusumbong ko si Prof Jimenez kay Mommy at Daddy!

"Hala, umiiyak ka?" tanong niya at tumingin sa mata kong namamasa na.

"Hala, hindi! Tumatawa ako!" sarcastic na sagot ko at pinunasan ang luha. "Isusumbong kita kina Daddy!" sabi ko at sumimangot. Tumawa naman siya.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now