Chapter 1: College Life

194 7 21
                                    

His side

"Look at her, p're! Ang hot!" napangisi ako sa picture na itinuro ni Yuan sa phone niya. Pinagpiyestahan pa 'yon ng dalawa pa at tinitigan ang babae sa picture.

"Sexy!" komento ni Karlo na may halong pagsipol pa. Napangisi naman ako habang nginunguya ang chewing gum at tinititigan din ang babae. Nakasuot lang ito ng asul na two piece, maganda ang hubog ng katawan, maganda at may kalaparan ang balakang at balikat at may maliit na bewang naman, maputi rin ito at may mahaba at tsokolateng tuwid na buhok, nakangiti rin, at kitang-kita ang nakaluwa at may kalakihang dibdib.

Inilipat pa ni Yuan ang picture at nakita roon ang likod ng babae. Makinis, maputi, at wala ni isang bakas ng peklat o kung ano man sa mahaba at maputi niyang binti.

"Taena, p're! Wait! CR lang me!" sabi ng loko-lokong si Karlo habang nakahawak sa butones ng pantalon niya kaya agad ko siyang hinila paupo at binatukan.

"Gago," sabi ko na tinawanan agad nila.

"Bantayan ninyo si Ryle, oi! Baka maunahan pa kayo n'yan sa babae." Napangisi ako sa sinabi ni Vincent. Mautak talaga ang kumag, naisip agad na makukuha ko ang babaeng 'yon.

"Hindi naman 'yan magaling pumorma, husto lang sa charms pero torpe 'yan." Napangiwi ako sa sinabi ni Yuan pero tumanggi nang magsalita.

Syempre, alam ko naman na charming ako. Madalas ay kinaiinggitan ng mga kaibigan ko 'yon. Ika nga nila, effortless yes daw agad. Wala naman akong magagawa para baguhin ang sarili ko kasi pinanganak na akong likas na g'wapo at attractive.

Mas lumawak ang ngisi ko nang mapansin ang babaeng dumaan kasama ang dalawang mga kaibigan niya. Nakasuot sila ng asul na uniform ng tourism. Nang lumingon siya sa 'kin ay kinindatan ko siya. Medyo namula pa nga pero nilampasan din kami agad.

"Oh, see? Nakindatan agad 'yong kanina lang ay tinititigan natin sa picture? Matinik!" sabi pa ni Vincent kaya sinamaan ako ng tingin nina Karlo at Yuan.

"'Di ninyo pa rin kayang pantayan kagwapuhan ko," pagyayabang ni Karlo kaya sabay-sabay namin siyang binatukan nina Vincent at Yuan.

"Ulol! Panty ka lang, bro!" naasar na sabi ni Yuan. Natawa na lang ako bago nagpatuloy sa paglalaro ng gitara hanggang sa makabuo ng tono.

"Ano'ng pangalan niya nga?" tanong ko. Sa paraan naman kasi ng pamumula at pag-iwas niya ng tingin ay alam ko na kaagad na may gusto ito sa akin. At bilang ako, naging interesado agad ako roon.

I like girls that were easy to get. And when I say easy to get, hindi 'yong mga babaeng ipinagpipilitan na ang sarili mismo sa lalaki, kundi iyong mga babaeng alam mong mas mataas ang tsansang mapapasa'yo kaysa sa hindi. Hindi sa ayaw kong manligaw, marunong naman akong manligaw 'no? Ang sa akin lamang, bakit mo gugustuhin pang pahirapan masyado ang sarili mo?

"Freyah Hidalgo? Cross? Ewan ko kung alin ang real surname," sagot ni Karlo. Tumango naman ako at isiniksik sa isip ang pangalang iyon.

Freyah Cross? Okay.

"Nasaan nga pala si Lance?" tanong ko para baguhin ang topic. Nagkatinginan naman sina Yuan at Vincent bago sabay na nagkibit balikat.

"Baka may dinaanan lang 'yon," ani Vincent kaya napailing na lang ako. Nawawala na naman ang ugok.

"Ano'ng sabi mo? Panty ako?" rinig kong seryosong tanong ni Karlo kay Yuan. Mukhang hindi pa rin nakaka-get over sa usapang iyon kaya natawa ako.

"Oo, bro! panakip-butas ka lang ng girls." Natawa ako lalo dahil sa sinabing iyon ni Yuan. Narinig ko ang malutong na mura ni Karlo at sinuntok pa niya nang mahina ang balikat ng kawawang si Yuan.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now