Chapter 11: Mayonnaise

30 3 17
                                    

Her Side

Hindi ako mapakali habang gumagawa ng milk tea. I just feel awkward right now, Glaiz’s standing in front of me, she’s staring at me while smirking. Tiningnan ko siya sandali bago umirap at nagpatuloy, pero hindi ko rin natiis ang nakakainis na ngisi ni Glaizza.

“What, Glaiz?!” inis na tanong ko,

“Hindi pa ba talaga kayo ni Ryle?” I raised my eyebrow while looking intently at her, napalinga rin dahil baka nasa paligid lang ang lalaking siraulo na ‘yun.

“Anong ka-abnoan ‘yan, Glaiz?!” inis na tanong ko, “At ako? Papatulan ‘yun? Gosh! In your dreams!” sabi ko

I can’t imagine myself with him! Kung may lalaki man akong gugustuhin, it is Treijan, or others! Basta ‘wag si Ryle!

“Hindi? Talaga? Mamatey?!” natatawang tanong niya.

“Bakit ba wala ka pa do’n sa kitchen niyo?” pag-iiba ko ng topic,

“’Wag mong ibahin ang usapan!” natatawang sabi niya. “Hindi mo na ako tinatabihan sa shuttle! Tapos pansin ko na nagiging malapit na kayo ni Ryle. Tapos lagi kayong sabay mag-lunch! ‘Yan ba yung wala?” sumimangot si Glaiz at umirap, natawa na lang ako.

It’s been two weeks since we started our internship here in Caldrints. Isang linggo na lang ang natitira at goodbye Caldrints na. But let’s go back to what she's saying.

Una sa lahat, may arrangement ang seats sa shuttle. Per assigned task naman kami. Second, nagiging malapit kami ni Ryle? WEH?! Lastly, yes, lagi kaming magkasama ni Ryle t’wing lunch time. Iniwan kasi kami ng ilang blockmates namin dahil nauuna kaming mag-lunch sa kanila. Tapos dadating sila kung kelan pinatatawag na kami sa kitchen nila Chef Timmy and Chef Von.

“Hoy, Glaizza Marie, pinatatawag ka nila Chef Kellie.” Biglang pumasok sa kitchen namin si Seth, blockmate din namin. Inirapan naman siya ni Glaiz.

“Oo na po, Sebastian Jetthro!” pagganti ni Glaiz kay Seth bago inis na nilampasan si Seth. Naiiling na sumunod naman si Seth.

Nagpunta ako sa juice maker at nilagyan yun ng tubig, nahirapan pa nga ako magbuhat. Saka ko ibinuhos ang isang pack ng juice powder.

“Ayy, Jungkook!” napasigaw ako nang pagtalikod ko sa juice maker ay may tao. Nakita kong napasimangot si Ryle habang nakatingin sa akin.

“Army, amp!” sabi niya at umirap. Inirapan ko rin siya, wala naman siyang pakialam kung fan ako ng Kpop at Army ako! “Bakla naman ‘yang Jungkook mo!” pang-aasar niya. Inirapan ko na naman siya.

“Oh, kabawasan pagiging bakla?” tanong ko na tinawanan niya.

“Bakit ganyan kayong mga babae? Ang hilig niyo sa mga Koreans. Ang hilig niyo sa mga malalayo, eh nandito naman kaming mga Pilipino?” umismid ako sa inosenteng tanong niya. I wasn’t a fan of Kpop before, inimpluwensyahan lang ako ni Shanel. Exo at Blackpink ang group na ini-stan niya, ako naman ay BTS at Twice. Kaya ayun, ipit kaming magkapatid pag may fan wars. “Yung Pilipino niyo ngang crush, hindi naman kayo pinapansin. ‘Yung mga Koreano pa kaya?” dagdag niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Pinapansin naman ako ni Treijan, ah?” nakangusong tanong ko, tinawanan niya naman agad ako.

“Asa ka, ‘di ka no’n gusto!” pang-aasar niya, gusto kong mainis pero hindi na lang ako nag-react. Nagulat na lang ako nang iabot niya sa ‘kin ang isang milk tea na Okinawa flavored.

“Saang table?” tanong ko at inabot ‘yun,

“Sa ‘yo ‘yan.” Sabi niya, kumunot ang noo ko.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon