Chapter 24: Love

23 3 13
                                    

His Side

"What's with the blindfold, guys?" tanong ni Shantelle kila Karlo at Yuan na umaalalay sa kanya. "Teka, nasaan ba yung lalaking siraulo na yun? 'Di ba siya yung dapat na kasama ko?" tanong niya, nangangapa sa dilim.

"Ang ingay pala n'yan 'no?" bulong ni Vincent na katabi ko,

"Kung alam mo lang." Natatawang bulong ko habang naglalakad kami dito sa tahimik na hallway,

"Shanty, aakyat tayo ng hagdan. Pagsinabi kong hakbang, humakbang ka pataas ha?" sabi ni Karlo,

"Ano?! Paano kung mahulog ako? Tanggalin niyo nga 'tong blindfold na 'to! Wala akong makita!" reklamo ni Shantelle, I laughed silently. She's still stubborn. Inalalayan na siya nila Karlo at Yuan paakyat ng hagdan, ilang steps lang naman bago makarating sa destinasyon namin. "'Pag nakita ko 'yang Ryle na 'yan, hindi ko itutuloy yung favor niya!" sabi niya kaya naramdaman kong siniko ako ni Vincent. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at lumayo na sa kanila at pinuntahan ang dapat na puntahan.

Napangiti na lang ako nang makita ang lugar na ipinahanda ko sa tatlo kanina. Maganda. Bagay para sa date namin ni Shantelle ito. Sakto pa ang ganda ng langit para rito.

"Dahan-dahan!" sabi ni Yuan nang umuga ang malaking raft na sinasakyan namin. Sa gitna nito ay ang isang mababang table na puno ng pagkain, may mga nakalagay din na kandila sa bawat sulok ng balsa at rose petals sa paligid.

"Wah! Nasaan ako---woah!" biglang umuga kaya halos mapamura ako nang matapon ng konti ang chicken soup na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.

"Stay still," dahan-dahan akong tumayo at sinenyasan si Karlo na alisin ang piring ni Shantelle. Dahan-dahan siyang tumingin sa paligid na parang namamangha.

"Alis na kami," sabi ni Vincent, pumunta na sila sa port at naiwan na lang kami dito ni Shantelle sa nakalutang na balsa sa Sampaloc Lake kasama ang nagsasagwan.

Yeah, when my world is falling apart
When there's no light to break up the dark
That's when I, I
I look at you~

"Let's date, Ms. Cortez," sabi ko at nilahad ang kamay sa tapat niya, ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan kaming humakbang pero bigla siyang tumigil, "Bakit?" tanong ko.

"Ang ganda ng sunset." Sabi niya at inilabas ang phone, "Let's take a photo?" tanong niya na tinanguan ko, inakbayan ko siya at isinandal naman niya ang ulo niya sa pisngi ko. Ngumiti ako sa tapat ng camera at gano'n din naman siya. "One more," sabi niya at itinaas ang isang kamay para mag-finger heart, ako naman ay seryoso lang ang tingin sa camera. Ibinaba niya na ang phone, umalis na rin sya mula sa pagkakaakbay ko. Hahakbang na sana ulit ako nang pigilan nya ako. "Oh wait!" sabi niya at pinicturan ang lamesa na puno ng pagkain at ang mga kandila at rosas na nakakalat.

"You like taking pictures?" tanong ko, tumango siya habang umuupo sa sahig. Wala kaming upuan kaya naka-Indian seat kami. hindi naman kataasan ang lamesa, mga nasa tatlong dangkal lang yun.

"I am a sentimental person." Sabi niya habang nagsasandok ng kanin.

"Pwede ako magtanong?" tanong ko,

"You're already asking, dude!" sabi niya na tumatawa pa, napailing na lang ako. "Shoot," sabi niya.

"Paano ka nagkagusto dun sa fiancé ni Tanya?" tanong ko, taka siyang tumingin sa akin habang kumukuha ng fish fillet.

"Ah, it started on the day that I met him. Sa totoo lang, mas una ko siyang nakilala than kay Eycee. Nagkakilala kami nung 12th birthday ni Eycee." Kumuha naman siya ng Maple Bacon Salmon. 9th birthday ni Eycee? Ang alam ko ay nandoon ako dahil magkakilala ang parents namin ni Eycee, "Tapos naubusan ako ng loot bags dahil inaway mo ako doon sa kusina nila Eycee, tinapunan mo pa ng juice yung palda ko---"

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Where stories live. Discover now