Karmic Hearts by JhingBautista

153 7 2
                                    

01-01-15

Hi Ms. Jhing! 

Happy New Year!

Kakatapos ko lang basahin ang story mo, last year three days ago. Isa ako sa sumusubaybay ng Karmic Hearts since July 2013. Naalala ko kasabayan siya ng isa mong story na  The Misadventures of Finding Mr. Right na binabasa ko rin dahil mas na-uupdate mo 'yun dati. 

Pero huminto ako kasi alam kong mabibitin ako at ayaw ko ring mangulit about updates. Naisip kong worth it na hintayin na matapos ang story mo dahil sa simula pa lang may natutunan na akong bago while reading your story. Well tama ako, worth it talaga kapag itinuloy-tuloy ko ang pagbabasa dahil isa ang story mo na mahirap bitiwan at masarap basahin.

Simula pa lang nakakaramdam ako ng 'something' between Cupid and Mina. Kahit na hindi pa nag kakaaminan kinikilig na ako sa gestures ni Cupid towards Mina. Yay! Gosh! Tapos nagulat na lang ako dahil umamin si Cupid na in-love pala siya kay Mina ever since she was young. 

Nakakalurkey talaga si Cupid kasi umamin nga siya pero nagiging instant liar naman siya. Akala ko talaga kay Joseph Marco talaga siya ma-iinlove. Kasi kahit na sinabing hindi naman talaga totoo ang nararamdaman ni Joseph Marco sa kanya ay posible talagang ma-fall siya sa pinapakitang sweetness nito sa kanya.  Hay! Grabe talaga 'yung mga pinagdaanan ni Cupid dahil sa matinding pagmamahal niya kay Mina at handa talaga siyang mag sacrifice para lang sa kagustuhan niyang mahalin si Mina.

Gustong gusto ko kapag nag-didiscuss sila about love dahil may natutunan ako sa kanilang dalawa. Hanga ako sa pagkakasulat mo sa Karmic Hearts kasi talagang mapapaisip ang mga readers mo about love. Ito 'yung klase ng love story hindi puro kilig lang dahil may natutunan ako habang binabasa siya.

Napapaisip ako lalo na sa love story nina Lola Ghen at Lolo Roberto. Maari talagang may ganoong klaseng pagmamahalan kasi kahit na sa tinagal-tagal ng panahon maaring magkarugtong pa rin ang mga puso nila. Sa kanila talaga ako humanga iba kasi ang klase ng pagmamahalan nila. Kahit na nalulungkot ako dahil sa reality hindi sila nagkatuluyan. Nandoon pa rin ako sa paniniwala na totoo ang pagmamahalan nila Lolo Roberto at Lola Ghen sa panaginip ni Mina.

Unexpected sa akin ang ending kahit na gusto ko talaga sila hanggang sa huli. Kahit na fantasy ang genre ng story ay napapatanong ako sa isip ko bilang isang reader sa realization na:

"Maari nga bang ang angel of love na si Cupid ay maging tao dahil sa pagmamahal niya kay Mina? Papayag ba si God na magkaroon ng ganun na himala dahil sa pagmamahal? O kaya maaring may iba pa siyang plano para kay Mina dahil may nakalaan talaga na para sa kanya." 

Habang papalapit na ako sa last chapters ay nasagot mo ang tanong ko sa ending. Kahit na nalulungkot ako dahil kahit na gustong hilingin ni Mina na maging tao si Cupid ay hindi pwede dahil successful ang mission nilang dalawa. 

Pero napangiti ako dahil mas inisip ni Mina ang kaligayahan ng ibang tao kaysa sa sarili niya. Halatang nag mature si Mina pagkatapos ng ilang buwang pagsasama nila ni Cupid, naging mas selfless siya. Mas iniisip niya ang kaligayahan ng ibang tao kaysa sa sarili niya. 

Pasensya na Ms. Jhing napapahaba na 'tong post ko sana lang may sense. Haha! Natuwa talaga ako at worth it ang mahabang pag aantay ko para matapos kong basahin ang Karmic Hearts. Pero mukhang magsisimula ulit akong maghintay para matapos naman ang Remembering Cupid. Kahit na kating kati na ang kamay kong pindutin para mabasa ang Remembering Cupid eh nag he-hesitate akong gawin 'yun. Gusto ko kasing same feeling katulad ng pananabik kong basahin ang Karmic Hearts. Medyo weird pero totoo Ms. Jhing, willing ulit akong maghintay hanggang sa last chapter ng Remembering Cupid. 

Thank you for sharing your stories, Ms. Jhing. Looking forward din ako if ever ma-publish ang Karmic Hearts. Walang halong bola talaga masarap basahin ang Karmic Hearts dahil talagang pinaghirapan mo talagang isulat 'yun at maraming makakarelate sa story mo.

~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon