His Sasaeng by greatestB

138 7 3
                                    

09-04-2014

Hi! G!

**kaway kaway**

Oha! Oha! Oha! Ginawan kita nito. Hahaha! Gulat ka ba?

SURPRISE! <3

Madaling araw na natapos ang story mo. Dapat gagawin ko na 'to kaso naisip ko lang na dapat pag isipan ko mabuti ang mga sasabihin ko. Puro kasi bugso ng damdamin kung mag cocomment agad ako. Hahaha! I'm so emotional after reading talaga. Aba, alam mo bang pinag isipan ko talaga kung ano ang sasabihin. Langya~ dinalaw pa ako ni Kai sa panaginip ko. Huhu hindi ko siya bias sa EXO pero bias ko siya sa story mo. Langya~ mahal ko na ata siya. Huhuhu TT_____TT

Ehem ehem~ kakalma na ako. :)

Pero bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat kasi naalala mo pa rin ako. Hahaha! Dati talaga hindi ako fan ng EXO. Pero syempre due to curiousity kinilala ko muna sila. Paano ba naman kasi bakit ang sikat sikat nila? Ano bang meron sa mga lalaking yun at halos magwala ang fans nila? Marami akong pinagtatakahan sa kanila. May magic powers ba sila para mahumaling ng husto ang mga fans nila. Hahaha! Okay~ ang weird na ng mga iniisip ko. :D

Tapos ang dami pa nila. Lechugas~ doseng gwapong mukha na magkakamukha. Nahirapan kaya ako kilalanin sila. Hahaha! Buti na lang talaga nanonood na ako ng EXO Showtime. Ang kyot kyot nila talaga lalo na kapag may napag tri-tripan sila. Hahaha! Actually si D.O talaga ang una kong nakilala kasi nanonood ako ng bagong k-drama yung "It's Okay, That's Love". Nandoon kasi siya eh, tapos ang role niya dun e imaginary character/self ng bidang lalake. Sabi ko nga, parang kilala ko siya tapos ayun nga nagsimula na akong mag search at manood ng EXO Showtime. Oh ha! At least ngayon, nag improve na ang imformation ko sa EXO. At love na love ko na sila. <3 <3 <3

Di ba nga sabi ko sa'yo nung on going at bago bago pa ang His Sasaeng. Eh naalala ko yung napanood ko Reply 1997. Kaso same sasaeng ang bida ng k-drama at story mo. Kaya nga natuwa akong ilagay sa library ang story mo eh. Kahit na patanga-tanga pa ako sa EXO nun. Hahaha~ Hindi kasi ako mahilig sa fan fiction pero nakuha mo ang atensyon ko. Kaya pinangako ko sa'yo na once na matapos ang story mo eh babasahin ko. Sorry ko medyo na-traffic lang at na-late ako pagbabasa ng story mo.

Eto na eto na mag rereaction na ako. Humanda ka na intense 'to! Hahaha!

Waah~ mixed emotions 'tong story mo. Kainis naiiyak ako sa ending. Juicecolored! Gusto kong magwala ng bonggang bongga dahil hindi kami nagkatuluyan ni Kai baby. Gusto ko talaga 'yong tipo ni Kai eh. Masarap mahalin ang ganung lalake. Kung pwede lang ibulsa at ikulong dito sa room ko eh ginawa ko na. Haist!

Langya. Auto focus ako sa pagbabasa ng story mo. Akala ko mahuhulaan ko ang story mo pero hindi kinaya ng auto predict ng utak ko eh. Haha! Ang hirap hulaan kasi muntik na ako gumive-up kay Kai dahil sa sinabi ni Baekhyun kay Solardark. Kaso bigla na naman akong nabigyan ng pag asa kasi todo effort si Kai eh. Kainis talaga si Amethyst kasi naman eh. Haist. Oo nasaktan ako para sa kanya lalo na't hindi siya minahal ng lalaking pinakamamahal niya. Pero kasi naman eh! Sadya niya talagang binitawan si Kai. Para sa akin sinayang niya yung pagmamahal ng ganung lalaki.

Langya! Saan ba pwedeng makahanap ng ganung nilalang? Aba'y willing akong mahalin siya ng buong buo. Kahit na sabihin na natin na mahal niya ang isang Baekhyun. Pero mahirap naman talagang pilitin ang puso na mahalin ang isang taong hindi mo kayang tumbasan ang pagmamahal.

Pero hindi ako si Amethyst! Kahit na ako ang maging bida parang mas gugustuhin ko pa ang pagmamahal ni Kai e. I wanna cry talaga. Ang OA ko na. Hahaha! Kaso in reality naman, naisip ko na mahirap sumagot sa kung ano ang dapat mong piliin sa dalawa: 

"Yung mahal mo pero hindi ka naman mahal at yung mahal ka nga hindi mo naman mahal."

Para ka talagang tinanong ng billion dollar question dahil mahirap sumagot sa dalawang choices. Pero naisip ko walang pinili si Amethyst dahil pinaraya niya ang dalawang lalaking nahihirapan sa kanya. 

Wow! Logic na ata ang pinag iisip ko. Hahaha! At least, na gets ko naman yung nararamdaman ni Amethyst di ba? Hindi lang puro ka negahan ang pinag iisip ko sa kanyan. Although hindi nga lang siya agad nakahanap ng para sa kanya at masaya siya sa dalawang lalaking naging parte ng buhay niya. Kung baga, stepping stone niya ang pagiging sasaeng at maging close sa kanyang mga bias. 

Pero, ito na naman ako, nanghihinayang pa rin kay Kai. Huhu~ oh please! Gusto ko mag move on kay Kai. Masyado niya talagang pinakilig ang aking damdamin pati na ang aking pusong bato. (Hahaha~ woop! ang lalim shemay!)

Sana matuwa ka sa kabaliwan kong surprise sa'yo. Alam mo bang whole day ko binabasa ang story mo? At alam mo bang whole day rin ang pagpapatugtog ko ng album nilang XOXO kaya relate na relate ako sa wedding song ni Kai (but it hurts!) na Peter Pan. Kaiyak ang sweet ng kanta. Lechugas~ Sana kami na lang yung kinasal eh. Matutuwa pa ako. Hoho!

Opps~ alam mo bang favorite ko na ang story mo? Kasi kakaiba siya sa akin. Hindi kasi ako mahilig sa Fan Fiction eh. Hahaha! Unique ka na sa akin. Ang galing di ba? Ang cool kasi ng pagkakasulat mo eh. Kuhang kuha sa madlang pipol lalo na't madaming adik sa EXO sa mundo ng wattpad. Sana mas lalo pang dumami ang makapagbasa ng stories mo. 

Salamat sa pagsusulat ng story mo. Dahil sa'yo kilala ko na (sa wakas) ang EXO at love ko na sila. Wala akong bias kaya pantay pantay ang tingin ko sa kanila. Kahit na si Kai talaga ang pinaka love ko sa story mo.

Yie~ kami na lang yung kinasal ah~

Please? Pretty please?! :)

Paubaya mo na sa akin si Kai! Nyahaha~

~~~<3 

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon