A Wife's Cry by barbsgalicia

395 9 2
                                    

06-13-2014

Hello po Ate Barbs! 

**kaway kaway**

Hindi ako mambobola kaya ginawa ko ang post na ito. Gusto kasi kitang isama sa mga hindi ko makakalimutang story na nabasa ko dito sa watty. 

CONGRATULATIONS po pala kasi "to be published" na ang story mong ito lalo na po't sa Summit pa talaga. Hindi ako magtataka kung bakit i-pupublish ang story kasi WORTH IT po siya maging book.  Ang galing mo pong magpalabas ng emotion sa story mo to the point na nakakadala na talaga. Kasi ramdam ko yung inis, galit, awa at nakakaiyak na talaga. 

Kakatapos ko palang po basahin ang story mo kaya ramdam ko parin sina Allen at Vanessa. Lalo na ang mga pinagdaanan nila habang binabasa ko ang story mo. Naisip ko nga na habang binabasa ko ang story mo eh naiiyak ako kasi grabe, parang hindi ko papangarapin na makapangasawa ng lalaking nambububog at hindi marunong magmahal.

Nakakainis si Allen! Parang pinapatay ko na siya sa isip ko kapag sinasaktan niya si Vanessa nung unang chapters. Na parang sarap sabihan ni Vanessa na ang tanga-tanga at ang hina niyang babae kasi hindi niya man lang kayang ipagtanggol ang sarili niya sa asawa niya.

Pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong hindi mainis kay Vanessa kasi siya rin naman ang naging dahilan kung bakit naging "mad man" si Allen. Parang gusto kong sisihin lahat kay Vanessa ang mga pagkakamali nila. Pero kailangan ko munang intidihin mabuti bago ako magjudge talaga kasi pareho naman silang may pagkakamali eh kaso nagiging komplikado lang talaga. 

Habang binabasa ko siya, hindi ko kayang bitiwan ang story mo. Hahaha. Tinuloy-tuloy ko parin talaga ang pagbabasa kasi hindi ko namalayan na umaga na pala eh hindi pa ako natutulog. Kasi parang hinihintay at hinahanap ko yun kung anong gagawin ni Vanessa kay Allen kung sakaling sumabog na siya sa galit. 

Pero hindi ko inaakalang sa pangyayaring sumabog na si Vanessa ay tuluyan naman akong naawa kay Allen. Parang ang abnormal ko naman kasi kumakampi ako kay Allen kahit na ang salba-salbahe niya nung unang chapters. Nakakalungkot lang na kung kelan handang handa ng maging mabuting asawa ni Allen ay saka pa sumuko si Vanessa. Naramdaman ko kasi yung awa kay Allen eh na parang gusto kong sabihin kay Vanessa na kumapit muna sa pagmamahal niya kay Allen bago siya bumitaw. 

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dun sa part na dinugo si Vanessa dahil sa pagkakamali ni Allen.  Tsk tsk! Grabe hanggang ngayon hindi parin ako maka-move on sa inis at awa sa scene na yun. 

Naisip kong reality bites ang story na ito dahil dun sumang-ayon ako kay Vanessa na maghiwalay muna sila ni Allen. Na tanging annulment lang ang kulang para maghiwalay sila ng tuluyan. Habang binabasa ko yung annulment  thingy eh naiisip ko yung pinapanood kong The Legal Wife. Dahil ganun pala talaga ka-trabaho at kahirap makipag annul sa asawa. Na ang daming processong pagdadaanan at magastos pa talaga kaysa sa ikasal.  

Halos mawalan na ako ng pag asa na magkakabalikan pa sila dahil 2 chapters na lang nagkakalabuan parin silang dalawa. Tapos sa lagi silang nag aaway kahit na gumagawa na ng way si Allen para sa kanilang dalawa. Naiyak ako sa scene ni Allen na sagad na sagad na talaga siya dahil ayaw na talaga sa kanya ni Vanessa. Ramdam na ramdam ko yung pagkabigo niya at pagka-walang pag asa para sa kanila ni Vanessa. Hay! I'm so sad talaga.  

Ang galing lang kasi sa natitirang 2 chapters napag-kasya mo po talaga yung pagkakabalikan nila. Ang saya lang kasi hindi mawala yung ngiti sa bibig ko habang nag kaka-ayos silang dalawa. Parang totoo silang tao sa akin kasi gosh naman! Sa dami ba naman pinag daanan nila eh sobrang tested na yung pagmamahalan nila sa bawat isa. I'm so pround of them. Ganun ko sila kamahal. Hahaha 

Pasensya na po kung ang dami kong nasabi masyado lang ako nadala sa story mo. Sobrang na-appreciate ko po ang gawa mo kasi nangyayari naman talaga sa totoong buhay ang story mo. 

Sana mabasa mo po ito kahit na mala-nobela na itong post. Hahaha. 

Thank you po pala sa pag-share ng story mo sana marami ka pa pong masulat na ganitong stories.

Excited na akong ma-release ang book mo at makabili na rin kung sakaling magkapera. Gusto rin po kitang ma-meet at makapag book sign po sa iyo.

Hahaha Pero sa ngayon po, sa ganito ko muna mai-papahayag ang appreciation ko sa story mo po.

~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon