Size Matters by Kuya_Soju

162 4 2
                                    

09-15-2014

Hi Oppa! 

Mas gusto kong tawagin kang Soju Oppa kaysa sa Kuya Soju. Kasi alam kong yun ang dati mong username. Tama ako di ba? Di ba? :)

Kaya po ginawan kita ng ganito kasi hyper pa rin ako sa nabasa kong story mo. Hahaha! Tsaka may epic moments din ako habang binabasa ko ang story mo kanina. Kakatapos ko lang talaga basahin ang story mo mga 1 hour ago lang kasi ginawa ko pa 'to. Kaya fresh na fresh pa sa isip ko yung story mo. 

Dati pa akong reader mo at una kong nabasa eh yung story ni Barbara. Sayang lang dahil hindi ko nagawan ng ganito ang Patayin Sa Kilig Si Barbara na story mo. Kaya dito na ako babawi sa Size Matters.

Matagal na sa RL ko ang story mo pero dahil on-going pa siya tiniis ko munang huwag basahin. Alam ko naman kasing mabibitin ako eh. Tapos kanina ko lang nalaman na complete na pala siya. Kaya binasa ko na talaga para naman mawala na ang curiousity ko sa story mo. 

Kaninang umaga ko lang siya sinimulang basahin dahil bagong gising ako at tinatamad pang bumangon. So ayun basa basa ako at hindi ko na namalayan na isang oras na pala akong nagbabasa at tumatawa mag isa. Alam kong mukha akong timang na tumatawa mag isa dahil sa binabasa ko. Nakakatuwa naman kasi talaga eh. Hindi ako na-corny-han sa batuhan ng linya nina Valentina at Antonn. Naalala ko talaga sa kanila sina Barbara at Chiqui sa kanilang dalawa. Feeling ko nga magkapatid yang si Chiqui at Antonn eh pareho kasing malanding bakla. Hahaha! Ang saya kasi related sina Valentina at Barbara. Hindi ko na matandaan kung nabanggit sa Patayin Sa Kilig Si Barbara si Valentina. Tagal ko na kasing nabasa ang story mo eh.

Kahit kaninang umalis ako ng bahay dala dala ko pa rin ang tablet ko para hindi lang mabitin sa pagbabasa. Mahirap talaga kapag maganda ang story, ang hirap bitawan at mabitin sa kung anong mangyayari.  Ang hirap pigilan na tumawa habang binabasa ang story mo. Ngumi-ngisi na lang ako para lang magpigil eh. Para akong may sariling mundo na hindi maintindihan ng ibang taong alam kong napapatingin sa akin kanina. Hahaha! Ang weird ko talaga! Ang epic naman kasi ng story mo.  

Pero seryosong usapan, kahit na tawa ako ng tawa sa story ay may moral lesson naman. At tama naman ang sinabi ni Suzuki eh. Naramdaman ko yung sincerity niya sa pagtatapat niya kay Valentina. Nakakatouch talaga yung ganung pagtatapat nakaka-lambot ng puso at nakaka-fall talaga. Ano ba yan ang drama ko. Hahaha!

Satisfied ako sa ending kahit na nakakabitin. Yup, nabitin ako pero masaya ako. Pero shemay naman nalurkey ako sa rated SPG nina Duxs Dakota at Antonn! My goodness! Hahaha! Nakakabaliw alalahanin ang BONUS NA LABAS mo. Juicecolored naman! Napaka-adik naman talaga ng lalaking anaconda na yun. Hahaha! Epic! 

Congrats po pala dahil TO BE PUBLISHED na pala ang story mo. Masaya akong nabasa ko agad ang Size Matters.  Isa siya sa favorites ko kasi pinatawa niya ako ng sobra. :)

Salamat po sa pag share ng story at napasaya mo ang tahimik at boring kong araw ngayon. Hindi na ako gumawa ng comment dun kasi gusto ko nasa special spot ka sa mga nabasa kong stories. Ganito ko talagang na-appreciate ang story mo. Promise! 

~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon