Introduction

968 11 1
                                    

Hello dear reader like me!

Oo ikaw ang tinutukoy ko wala ng iba.

Thank you kung nag aaksaya ka ng oras para basahin ang nilalaman ng post kong ito. Alam kong hindi naman importante sa ibang tao mga ang nilalaman nito. Pero para sa akin, kasama ka na rin dahil binasa mo ito at mas lalo na sa mga writers na matyagang nag-iisip at nagsulat ng mga stories dito sa Wattpad. 

Ginawa ko ang post na ito hindi mag-rant o ano pa man kundi para pasalamatan ang mga writers sa mga stories nila. May mga pagkakataon na nailalabas nila ang mag emosyon ko sa mga stories nila. Gusto kong malaman nila na may nag-aappreciate sa mga naisulat nila kaya dito ko ilalabas ang mga gusto kong sabihin. Ang lahat ng mga i-popost ko dito ay mga opinion ko sa mga nabasa ko na mga naisulat nila. Marami na rin akong na-post sa MB at comment box nila. Pero alam kong sa dinami-dami ng readers ay hindi na nila maalala kung sino ang mga taong nakaka appreciate sa mga naisulat nila. 

This will be their special spot for their stories.

Naisip ko kasing hindi sapat ang mga comment kong intense sa profile nila. Gusto kong mabasa nila ito para mas lalo silang ma-inspire sa pagsusulat. 

Gusto ko rin sabihin na ginawa ko ito hindi lang para maging guide sa ibang readers kundi para sa sarili ko. Magsisilbing memory lane ang mga post ko (sa sarili ko) sa iba't ibang stories na nabasa ko para hindi ko sila makalimutan. Alam ko kasing sa dinami dami na ng mga story na natapos ko ay nakakalimutan ko na ang iba. Sorry naman!  Pero totoo, normal talaga yan sa mga readers sa dinami dami ba naman ng stories dito na magaganda eh. Ayokong isa walang bahala ang mga nabasa ko ng stories dahil pinag aksayahan ko ng oras ang bawat stories na nababasa ko sa mga post na gagawin ko.

Sorry kung puro spoilers ang mababasa mo. Ginusto mong basahin ang post na ito kaya nasasayo kung mag papa-ispoil ka sa akin. Tumigil ka na lang sa pagbabasa nito kung maispoil kita. :)

Started : 06-10-2014

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon