The Art Of Panloloko by Aliamai

91 3 0
                                    

06-05-2015


Hello! Dear author!


Sorry, never ko pang tinignan ang watty profile mo. Sadya kasing pagala-gala ang story mo sa "STORIES YOU MIGHT ENJOY" eh. Hahaha! Ilang beses na kami nagkita kaya pinansin ko na siya.


Well, hindi ko akalain na babasahin ko siya agad dahil sadyang sinave ko muna siya sa reading list ko. Busy kasi ako these past few days sa panonood ng K-drama dahil napagod at tinatamad ako magbasa sa watty.


The reason why I read your story dahil sa boredom ko sa paglalaro ng Candy Crush ng Mama ko dahil lagi akong natatalo at nawalan na ako ng pag-asa na makakalevel up pa ako. Hahaha! Plus, nanonood pa ako ng action movie ni Liam Neeson. Hahaha! Kaya napa open ako ng watty at nakita kita sa reading list ko.


Okay. Seryoso na, nahiya naman ako bigla sa'yo. Kalurkey lang kasi ang reason ko diba? Oh well. Pasensya ulit. Hahaha!


Kakatapos ko lang basahin ng story mo few minutes ago. Kaya naisipan kong gawan ka ng letter. Na-appreciate ko ang story mo. Nagandahan ako sa way ng pagka-deliver mo sa story mo. Pinaisip mo ako sa kung ano ang mangyayari kay Faye dahil sa mga 'katangahan' niya. Na-excite ako bigla kaya hindi ko mabitiwan ang story mo hanggang sa puntong kailangan ko ng i-charge ang tablet ko dahil naghihingalo na ang battery. Hahaha!


Okay. Ito na seryoso na. Pasensya na. On the spot talaga ako gumawa ng ganito wala ng masyadong matinding pag iisip.


So, ayun nga, habang binabasa ko ang story mo nakuha niya ang interest mo. Hindi common ang plot mo at hindi cliché. Bihira akong makatagpo ng katulad ng story mo. Iyong maayos ang pagkasulat at maayos ang nilalaman. Plus, may matutunan akong lesson sa buhay.


Dahil sa totoo lang, realistic ang story mo. Naiintindihan ko ang gusto mong iparating sa story mo. Naramdaman ko ang bawat salitang binibitawan ni Faye sa tuwing nasasaktan siya. Dahil maging ako ay naranasan ko na ang maloko at masaktan. Masakit at mahirap mag move on lalo na't hindi mo alam ang dahilan kung bakit mo nararanasan ang ganung bagay.


I salute you dear author. Nakuha mo akong paiyakin habang binabasa ang story mo. Pinaisip mo ako habang binabasa ko ang bawat chapter ng story mo. Masaya ako sa kinahinatnan ni Faye kahit na inakala kong si Xi pa rin ang end game. Hindi ko talaga inaakalang totoo at buhay si Clark. You got me there dear author. Astig plot twist! Hahaha!


I hope marami pang makapagbasa ng story mong 'to. Hindi ko pinag sisihan na binasa ang story mo at ipinagpalit sa Candy Crush at action movie ni Liam Neeson.


Thank you for inspiring me through this story. I hope marami ka pang magawang stories na worth to read dito sa watty.


:)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon