The Writer by DeMisse

102 5 4
                                    

12-11-2014

Yo! Wazz up?!

Tada! Hindi kita kayang tiisin na hindi bigyan ng ganitong post. Hoho! Ang taray!

Kakatapos ko lang talaga basahin ang story mo. Based sa reaction ko ngayon, still in shocked pa rin ako sa ending ng story mo. Haist! Kaya pala gusto mo malaman kung ano ang magiging reaction sa end ng story mo 'yun pala? Kaya pala.

So okay, sisimulan ko na kung bakit ako naiinis ng ganito. Promise! Naiinis ako! Hahaha. Rawr! 

Akala ko nung una, same old cliche siya kasi na-diverginized siya. Pero nagkamali ako kasi hindi niya pala kilala kung sino ang 'the one who get away' niya at tanging gray eyes lang ang naalala niya.

Nalurkey ako kasi not one... but three ang iniisip niyang si 'the one who got away'.  Ang taray niya ha! Three hot fafables talaga ang umaali-aligid sa kanya. Juicecolored! Ang ganda ni Alethea! Hahaha!

Na-thrill ako sa clues kung sino nga ba talaga sa kanilang tatlo kasi nga si Jack lang ang naiibang mata sa kanila. Tricky ang story mo para sa akin kasi muntik na akong mawalan ng pag asa na baka mali ako ng hula dahil sa mga nangyari all  throughout the story. Akala ko nung una talaga si Damien ang maswerteng nilalang eh sabayan pa nitong si Miguel. Naku! Naku! Siya na talaga ang may alindog. Hmp!

Okay seryoso na kasi ramdam ko pa rin 'yung inis ko. Rawr!

Alam mo 'yun nandun na sila sa point na pwede maaari na silang mag simula muli dahil lang sa maling 'nangyari'. Pero isang iglap lang talaga parang isang pitik lang, naglaho 'yung hope ko na maari pa rin sila sa dulo. Ang saklap! Kaiyak talaga.

Tapos alam mo 'yun? Three pages na lang talaga humo-hopia pa talaga ako na sana talaga maayos pa talaga silang dalawa ni Jack.

Lengye nemen oh! Kumakapit pa rin ako sa hope ko eh. Pisti talaga! Naisip ko nga na baka ang ama ng dinadala ni Lou eh si Enzo. Tapos hindi pa rin eh! Si Jack talaga! Langyang Jack kasi eh! Ang hilig hilig kaya hindi nakapag-pigil eh. Tapos ito pang si Lou! Argh! Ang harotness! Kasi naman eh parang hindi niya talaga inisip si Alethea sa kagagahan niya.

Nakakapang-gigil talaga 'yung mga nangyari sa story mo! Woah! I can't breathe! Hahaha!

Grabe ang singil sa kanya ni karma, doble ay hindi triple na ata ang sakit 'yung naranasan niya eh. She really betrayed ng dalawang taong inakala niyang maasahan niya hanggang sa huli. Tsk tsk! Napapailing na lang ako sa nabasa ko. Promise! Ang saklap!

Parang gusto kong sabihin: "Oh, ito lubid o blade pili ka na lang kung ano gusto mo. Ang saklap ng buhay mo, Alethea! Sobrang saklap!"

O di ba? Ang salbahe ko. Hahaha. Chos!

Hindi ko inaasahan talaga na magiging ganun ang ending niya, akala ko kasi after 3 years something good will happen for her and Jack. Pero... Mukhang wala talaga. Hindi sila meant to be ni Jack.

Ang saklap! Potek! Argh! Langya, lakas maka-open ending ng story mong 'to. Hahaha! Malamang ang daming humiling ng book 2. Maski ako man gusto ko pero naisip ko. Huwag na nga lang kasi, alam mo 'yun? Mas magiging complicated na ang mangyayari sa kanila. Naisip ko kasi kung si Jack nga ba talaga ang lintek na ama ng lintek na anak ni Lou. Amps! Edi rambol na ang mangyayari. Haha! Kaya big NO NO! Na lang talaga. Mas gugustuhin ko na lang sa iba mapunta ang kawawang Thea kaysa makipag sabayan pa siya kay Lou. 

King ina. Ayoko na. Hahaha! Nailabas ko na ang lintek na nararamdaman ko. Natatawa ako sa mga pinag sasabi ko. Hindi ko sure kung may sense kaya 'tong pinaglalagay ko dito. Ay! Ewan, basta chill na ulit ako. Hahaha!  

Ayan na ang malupit kong reaction sa story mo.

Bow! :p

~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon