The Katipunero and I by pinayblonde

108 4 1
                                    

10-05-2014 

Hello! :)

Ito na ang sinasabi kong surprise sa'yo. Sana po ay magustuhan mo ang simpleng post kong 'to.

Kanina ko lang sinimulan basahin ang story mo. Kahapon ko lang nakita dahil sa post si Justplainlyme na kaibigan ko rin sa fb. Isa ako sa nag comment dun na babasahin ko ang story mo. Na-curious kasi ako kasi wala akong alam kay Emilio Jacinto maliban nga na siya ang "Utak ng Katipunan". Plus, nag hahanap ako ng kakaibang mababasa naman dito sa watty. Kaya talagang sakto na nalaman ko ang story mo.

Natutuwa ako habang binabasa kanina ang story mo. Ang lakas kasi maka ala "Queen In Hyun's Man" at "Rooftop prince" ng story mo e pinoy version nga lang. Kahit na nahahalintulad ko ang story mo sa dalawang k-drama eh may kakaiba pa rin sa kanya. Ang lakas kasi magpa-kilig ni Yong eh. 

Hahaha! Ito pa, ang nakakalokang part ng utak ko. Si Coco Martin ang imaginary Emilio Jacinto. Oh my! Hahaha! Pasensya na, masyadong malakas maka-Emilio Jacinto si Coco Martin. :D

Para sa akin, tama lang ang ending. Kasi hindi nararapat si Yong sa mundong kinalalagyan ni Hanna. Dahil tadhana na mismo ang nagsasabing panadalian ang pagmamahalan nila. At least, naging totoo at masaya sila sa bawat isa. Nakakatuwa na nag-reincarnate si Yong sa kasalukuyan. At talagang naka-tadhana talaga sila sa isa't isa. Dahil walang naging asawa si Emilio Jacinto sa kapanahunan nito. 

Oh ha! Dahil sa story mo naging active na naman ang utak ko sa Philippine history. Hahaha. Natutuwa talaga ako promise habang binabasa ang story mo. Sapat lang sa boring kong araw dahil tinalo ng mga pinanood kong movies ang pag ka enjoy sa story mo.

Thumbs up po sa'yo. Alam kong dadami pa ang makakapagbasa ng story mo kaya dito na ako gumawa ng comment para special. :)

Sana magustuhan mo ang simple pero espesyal naman na post ko.  Favorite ko na kasi ang story mo e. Kaya nararapat lang gawan kita ng ganitong post.

~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon