Ang Alalay Kong Astig by Sweetmagnolia

528 13 12
                                    

06-10-2014

Hi Ate Sweetmagnolia! 

**kaway kaway**

I-aate na po kita kasi FC na ako sa'yo. Hahaha. Kakapalan ko na po ang mukha ko tutal naman eh ginawa ko na itong post na ito para sa'yo. :D 

Gusto ko lang pong sabihin na ang astig mo gumawa ng story. Kasi akala ko talaga ordinaryong love story siya yun pala hindi. Nakakalurkey! Kakatapos ko lang basahin kaninang pag gising ko. Hahaha hindi naman pong halatang nag adik ako sa pagbabasa ng story mo. 

Pero seryoso po, nacurious lang ako sa title at sa sypnosis ng story mo kaya binasa ko. Hindi ko talaga aakalain na magiging isa ang story mo sa mga astig na stories na nabasa ko dito sa watty. Parang nanonood lang ako ng action scenes sa utak ko habang binabasa ko ang story mo. 

Nung una naisip kong alanganin maging sila dahil unang una ang age gap. Habang binabasa ko siya nawala yung pag aalinlangan ko kasi swak na swak sila sa bawat isa. Parang bumata si Alex dahil kay Blake. Parang bumalik sa pagiging teenager si Alex dahil sa mga trip sa buhay ni Blake. Habang si Blake naman nagiging mas mature dahil sa mga pangaral ni Alex. 

Balance silang dalawa dahil napupunan nila pareho yung pagkukulang ng bawat isa. Lalo na kung paano nagsimula yung pagmamahalan nila sa isa't isa. Shocks! Ewan ko ba? Kinikilig ata ako kahit sa simpleng pag aaway nila. Kahit na may pagkakataong nakakainis si Blake dahil masyadong babaero pero gosh naman kung makahirit ng lines. Napapagulong ako sa kama sa kanilang dalawa. Yie! So kilig! Haha! 

Hay grabe! Pero yung ending kainis ewan ko ba kung malulungkot ba ako o masisiyahan kasi may Book 2 siya. Nandoon kasi yung feeling na nakakaba na baka may mangyaring mas malala sa relasyon nilang dalawa. Shocks! The feeling! <//3 

Ginawa ko po itong post na ito para pasalamatan ka po sa pagsusulat ng Ang Alalay Kong Astig. Gusto ko kasing maging special ang pagbibigay ko sa'yo ng comment kaya nilagay ko na lang dito. Alam ko kasing hindi sapat na mag lagay ako ng comment sa MB mo lalo na't ang dami mong readers. Special corner 'to para sa comment ko sa iyo. I hope mas dumami pa po ang readers mo.

Nang dahil sa Ang Alalay Kong Astig babasahin ko rin ang ibang works mo para masaya. Ganyan ang effect ng story mo sa akin.  New fan mo na ako. Hahaha

Sana if ever mapublish ang story mo ay isa na ako sa bibili ng book mo. Haha hindi po kita in-eechos Ate. Promise! Sabay papabook sign na rin ako sayo para masaya. :)

 ~~~<3

Thank You Dear AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon