The Chosen Chapter Fifteen

299 1 0
                                    

INABUTAN niya sa sala ang kanyang mama, si Eliza at si Ceiv na seryosong naguusap. Gusto niya sana makialam sa usapan ng tatlo, marami siya gustong itanong, marami siya gustong klaruhin ngunit hindi niya magawa ni ayaw niya nang lumapit kila Ate Eliza at lalong-lalo na kay Ceiv. Pakiramdam niya kasi ang mga ito ang nakakapagpagulo sa tahimik niyang buhay. Bakit ba kailangan pa niya makilala ang mga ito? Bakit ba sa kanya nangyayari ang mga ito?!Bakit siya pa?

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata upang pigilan ang nagbabantang luha. Sa totoo lang kasi ayaw niya ang mga nangyayari sa kanya. Naguguluhan siya at nahihirapan. Pakiramdam niya ang mga taong nakapaligid sa kanya ay may itinatagong sikreto tungkol sa kanyang katauhan. Katauhang kailanman ay hindi niya matatakasan.

Minabuti niya nang umakyat patungo sa kanyang kwarto ngunit napahinto siya nang may marinig siyang tinig.

"Jessilyn.....aking anak.. ang aking tagapagmana.." isang tinig na ubod ng lambing na hindi niya alam kung saan nanggaling. Luminga-linga siya ngunit siya lamang ang tao sa itaas. Pero ayon sa nararamdaman niya pakiramdam nanggaling iyon sa kaloob-looban niya. Pero bakit siya tinawag na anak,? Imposible naman ang kanyang ina iyon, kasalukuyan ito nakikipag-usap sa dalawa sa sala.

"Anak.... " muling tawag nito. Kinabahan siya parang iba kasi ang kanyang kutob. "Huwag kang matakot anak, nandito lang ako sa tabi mo palagi... Hinding-hindi kita pababayaan..." sabi nito.

"S-sino ka ba?" tanong niya na lamang kahit hindi niya alam kung sino at saan ang kumakausap sa kanya.

"Ako ito.. ang nanay...... Josepina mo..." sagot nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. Imposible! Si nanay Remy lang ang kanyang ina! Hindi maaari! Si Josepina na nagpapakita sa kanyang mga panaginip, ang.. ang kanyang ina?

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang ina ko? Imposible!" reaksiyon niya.

"Sa maniwala ka at sa hindi.. ako ang nanay Josepina mo.." tugon nito. 

Bigla na lamang nandilim ang kanyang paligid. At isang eksena ang kanyang kinaroonan. Nakita niya ang isang babae na kahawig niya....

"ANO NA ang gagawin natin Antonio?" tanong ni Josepina sa asawa nitong si Antonio. Kasalukuyan nagmamaneho si Antonio ng kanilang sasakyan ng napakabilis. Hinahabol kasi sila ng mga tauhan ni Vincelido. Nalaman kasi nito na ang kanyang asawa ang nakapatay sa ama nitong si Redel dahil sa pagtatanggol sa kanya.

Hinawakan ni Antonio ang kanyang kamay.

"Huwag kang mag-alala Josepina, may paraan tayo para makatakas sa kanila.." sabi nito na tila kampante   pa.

"Anong balak mo? Paano  tayo makakatakas?"

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. " Pupunta tayo sa Lanao, may kaibigan ako doon. Doon muna tayo pansamantalang titira hanggang sa makapanganak ka..." sabi nito.

"Pero paano tayo makakapunta doon, bantay sarado tayo ng mga tauhan ni Vincelido."

"Basta ihanda mo ang sarili mo. Huwag kang mag-alala, iingatan ko kayong mag-ina at proprotektahan," pagkasabi niyon ay iniliko nito ang sasakyan patungo sa mga puno kasabay niyon ay binuksan nito ang pinto. Bago pa man sila mabundol sa malaking puno ay napakabilis na hinila siya nito at binuhat. Ginamit pala nito ang kakayahan nito na kadalasan mayroon ang mga bampira.

Nakarating sila sa terminal ng mga roro. Hindi kasi sila pwede sumakay sa eroplano dahil baka mahuli lamang sila dahil panigurado ay doon unang pupunta ang mga iyon na mas malapit sa lugar kung saan sila hinahabol kanina lamang.

The Chosen(COMPLETE!!)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora