The Chosen Chapter Eighteen

293 5 2
                                    

OH GOSH LAGOT NA!!

Tumingin sa kanya si Ceiv at ngumiti. Kapagkuwan ay lumapit ito at inabot sa kanya ang camera.

"P-paano mo n-nakuha i-ito?" utal-utal niyang sabi. Napangiti naman ito.

"Ah nakita ko sa sahig, nalaglag mo ata buti hindi nasira," sabi nito at ngumiti nanaman ng nakakaloko.

Shocks anong gagawin ko?! N-narinig niya kaya?

"Patay ka na sis," bulong na sabi ni Cess.

"Lagot na. May palihim lihim effect ka pa kasi" si Lyn.

"Ayan tuloy buking ka. Hehehe" pangaasar pa ni Rain.

Siya naman ay hindi makaimik. Hindi pa talaga siya handa aminin kay Ceiv ang nararamdaman niya. Kahit kilala niya na ito at kung ano ito sa buhay niya syempre pakipot effect muna siya para masabi hindi siya ganoon madaling mahulog. Pero wala na huli na siya sa akto at ang masama ay napalakas niya pa nang sinabi iyon.

She sigh.

Pwede naman itanggi iyon eh. Ilabas ang katarayan!

"Ah A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Tae nautal pa ako!

Ngumiti nanaman ito. Hindi na ata matanggal ang ngiti nito. Kilig strikes! Shocks!

"Heto dinadalaw ka. Gusto ko lang makasiguro na ligtas ka at kung may nagbabantay ba dito. May inutos kasi si ate kanina kaya umalis ako kaagad", dahilan nito.

"Ah ganoon ba?" sabi niya at ngumiti dito. Nilingon niya ang tatlong kaibigan at inirapan ang mga ito. Hindi kasi mapigilan ang kilig ng mga ito. At ibinalik ulit ang tuon kay Ceiv. "Ah Ceiv wag ka nang mag-alala ayos naman ako dito. Ligtas naman ako sa bahay namin at ang parents ko na nagbabantay sa akin..", sabi niya nalang. Baka kasi magduda ang mga kaibigan niya sa sinabi ni Ceiv.

Napakunot naman ang noo nito sabay tabi sa inuupuan niyang sopa. Pagkaupo nito ay pasekretong hinawakan nito ang kanyang kamay na ikinamula niya.

"Are you sure?" tanong nito  Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

"O-oo n-naman", naguguluhan niyang sagot sabay hugot ng kamay niya dito.

"Ah Gie sige mauna na kami ha, baka kasi langgamin na kami dito", si Cess na may panuksong tingin gayundin ang dalawa.

"Ah t-teka lang----" hindi niya na napigilan ang mga ito. Mabilis nakalabas ang mga ito sa bahay.

"Nakakainis naman iyon! Hoy thank you ha dito sa kalat niyo! Basta tsupi nalang! Nakakahiya!" sigaw niya sa mga ito.

"Ay thank you Gie! I LOVE YOU!!" si Cess.

"I LOVE YOU TOO!!" si Rain.

"I LOVE YOU MORE!! MWAH!!" si Lyn. 

"EWAN!!" sigaw niya din at nagsitawanan lang ng malalakas ang mga ito sa labas.

"Relax, masyado ka nanamang highblood. Tsk Tsk.." si Ceiv. Inirapan niya ito.

"Ang totoo Ceiv, what brings you here?" tanong niya na may pagtataray. Kailangan niya talaga itago ang nararamdaman niya.

"Uhm sa totoo lang may naramdaman akong kakaibang presensiya dito kanina eh kaso tinawagan ako ni ate kanina eh.. Pasensya kung hindi ko sinabi sayo nandiyan kasi sila.." si Ceiv.

"Ah Ceiv m-may napansin din kasi ako kanina. Nung pagakyat ko sa kwarto ko may narinig akong yabag sa loob ng room ko kaya pinakiramdaman ko muna pero bigla may ingay sa kanan ko a-at may nakita akong imahe. P-pamilyar siya sa akin eh.."

The Chosen(COMPLETE!!)Where stories live. Discover now