The Chosen Chapter Twenty Five

154 4 0
                                    


"Gie HUWAAAAAAGGGGG!!"

At sa isang iglap...


"Aahhh..."


Tumingin sa kanya ang mama Remy niya.


Napatingin si Gie sa kamay niya.


Nanlaki ang mata niya.


Dahil ang kamay niya,

ay


Nakabaon sa tiyan nito.

At patuloy na umaagos ang dugo mula dito.


Kaagad niyang inalis ito kasabay ay pagbagsak ng kanyang mama sa sahig.

Tumingin siya sa duguang kamay. Hindi niya alam kung papaano naging matulis at napakahaba ang kanyang kuko.


"Anak....."


Lumingon siya.

Nasa bisig na ito ni Ceiv na duguan din.

Saka niya lamang naalala ang kanyang ginawa.

Muntikan niya na MAPATAY SI CEIV...


Ngunit ang nasaksak niya ay ang kanyang Mama upang sana ay pigilan siya..

Bakit? What i have done? Paano ko ito nagawa?? Bakit?


Nakaramdam siya ng galit sa sarili.


Gusto niyang lumapit sa kanyang mama upang humingi ng tawad.


Ngunit kaagad siyang hinarangan ng mga pulis na nakatutok ang mga baril sa kanya..

"Im so sorry... Mama Sorry, i do not know whats happening to me.. What i have done??!!" sabi niya at napasubsob sa kanyang kamay habang umiiyak..


"ISA SIYANG HALIMAW!!HALIMAW!!"


Lumingon siya sa kanyang likod. At nakita niya ang mga tao, ang mga taong kanina lang ay galak na ngumingiti sa kanya. Pero ngayon nakikita niya ang galit at suklam sa mga mukha nito.

"Manahimik kayong lahat!!" may isang sumigaw at nakakatakot ang boses na iyon.

At lumabas galing sa tumpok ng mga tao si

Miguel..

Naglakad ito papunta sa kanya at huminto rin sa bandang linya ng mga armadong pulis na hindi pa rin ibinababa ang mga baril.

Matalim ang tingin sa kanya ni Miguel. Parang galit na galit ito sa kanya..

"Sinasabi ko na nga ba, hindi ka na dapat pinagkatiwalaan..." sabi nito.

Nakaramdam siya ng takot dito. Iniisip niya kung ano ang gagawin nito sa kanya. Balak na ba siya nitong patayin? Kung oo, marahil tama ito dahil kung hindi baka makapatay na siya at maraming inosente ang madadamay.

"Anak....huwag mong intindihin ang mga sinasabi nila..." ang kanyang mama Remy. Lumingon ulit siya dito. Namumutla na ito at mauubusan na ng dugo kahit pinipilit na siya ng mga medics nagpupumiglas ito..

The Chosen(COMPLETE!!)Where stories live. Discover now