The Chosen Chapter Eleven

371 5 0
                                    

Chapter Eleven

“KAHIT sabihing anak siya ng hari wala naman maiitutulong iyan sa atin. Tingnan mo nga mukha nang pulubi dahil pinagtabuyan siya ng hari,” ilan sa mga naririnig niyang bulong-bulungan ng mga tao kay Atonio.

Masakit man ngunit kailangan niyang tanggapin dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganito ang kanyang kalagayan. Wala din siyang kakayahan makumbinsi ang mga taong ito dahil mukha na siyang pulubi. Pagtatawanan at mamaliitan lamang siya ng mga ito.

Nasa isang maliit na komunidad siya nananatili. Ni isa walang nais na tumulong sa kanya. Tuwing gabi ay natutulog lamang siya sa mga karwahe ngunit kapag naabutan siya doon ay suntok ang abot niya. At tuwing naglilibot hindi niya maiwasan ang mga mapamintas na tingin ng mga tao.

Hanggang sa isang araw ay may nakabungguan siyang nakakadudang lalaki dahil sa katirikan ng araw ay ballot na ballot ito. At nang magkatinginan sila ay napansin niya na kakaiba ang mga mata nito. Mapula ang mga mata nito at kung makatitig ito sa kanya ay animo tagos sa kanyang kaluluwa. Pansin niya rin ang maputlang kutis nito na animo ay wala nang dumadaloy na dugo. Tinitigan siya nitong mabuti bago naglakad palayo. Sinundan niya ng tingin ito at nang kumurap siya ay wala na ito. Nakakapagtaka ang kilos ng lalaking iyon at sa gulat niya ay tinatahak niya ang direksiyon ng lalaking iyon. Wala siyang ideya kung bakit para bang nagkaroon ng sariling isip ang kanyang mga paa.

Sa kanyang paglalakad ay nakarating siya sa kalagitnaan ng gubat na dating pinapasyalan nilang magkapatid. Muli niyang naalala ang prinsesa.

Sinariwa niya muli ang mga alaala kasama ang prinsesa sa lugar na iyon. Hinihiling niya na sana ay magpakita doon ang prinsesa, na sana ay maalala pa nito ang lugar na iyon na puno ng alaala. Ngunit hindi ang prinsesa ang dinatnan niya doon.

“Nandito ka na pala,” puna nito sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni.

“S-sino ka? A-anong ginagawa mo rito?” kunot noo niyang tanong.

“Bakit ako ang tinatanong mo samantalang ikaw ang sumunod sa akin ditto,” anito at lumapit sa kinaroroonan niya. Natigil siya. Oo nga pala at simundan niya ito kanina lamang.

Muli niyang sinulyapan ang lalaki. Masyado siya nahiwagaan sa katauhan nito kaya siguro Sinundan niya ito. Tinitigan niya ito mabuti. Kahit ilang distansya ang layo nito sa kanya ay takaw pansin ang matingkad na mapulang mga mata nito. Alam niyang may kakaiba sa katauhan nito at iyon ang nais niyang alamin.

“Alam ko nagtataka ka kung ano at sino ako,” pagkaraang sabi nito na tila nabasa ang kanyang naiisip kanina lamang. “Ako si Vandross, ang namumuno sa komunidad ng mga bampira,” dugtong nito.

Ikinasindak niya ang nalaman. Nasagot nito ang katanungan sa kanyang isipan. Totoo nga na bampira ito pero may isang katiting sa kanyang isipan ang hindi naniniwala ditto. Maaring niloloko lamang siya nito upang malagay sa panganib o kung ano pa man.

Naputol ang kanyang pag-iisip ng humalakhak ito.

“Alam ko ang naiisip mo bata. Nababasa ko ang nasa isip mo,” wika nito. “Ayo slang naman kung hindi ka naniniwala. Gusto mo ba ng ebedensiya?”

Bago pa man siya makatango ay isang iglap pa lang ay nasa likuran niya na ito at nang lumingon siya ditto ay napasigaw siya sa nakita. Nakalabas ang mahahabang pangil nito at nagkulay pilak ang mga mata nito. Nakakatakot ang imahe nito ngunit Kaagad din naman iyon naglaho.

“Napakatatakutin mo naman bata. Huwag kang magalala at hindi ko sisipsin ang mabango mong dugo. Kaya kong kontrolin ang uhaw ko sa dugo at sa maniwala ka sa hindi wala pa ako pinapatay ni isa,” pahayag nito.

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon