The Chosen Chapter Eight

407 4 0
                                    

CHAPTER EIGHT

“Josepina! Pakiusap pakinggan mo ako!” pakiusap ni Antonio habang hinahabol si Josepina. Nang hindi niya makaya habulin ito gamit ang natural niyang lakas para ipakita na normal pa rin siya ay Minabuti niyang gamitin ang bilis niya at sa isang iglap ay nasa harapan na siya nito.

Halatang nagulat ito at takot na takot sa kanya.

“Pakiusap pakinggan mo muna ako. Mahal na mahal kita Josepina at ipinapangako kong hinding-hindi kita sasaktan.”

“Huwag kang lumapit sa akin. Halimaw ka! Hindi ikaw si Antonio. Halimaw!” nanginginig nitong sabi. Hinawakan niya ang parehang kamay nito ngunit Kaagad naman nitong binawi.

Lumuhod siya upang ipakita ditto ang kanyang sensiridad.

“Pakiusap. Mahal na mahal kita Josepina.  Huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya. Pakiusap.” Hindi niya na napigilan humagulhol. Napalingon si Josepina sa kanya. Tila natauhan ito at lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Nasaksihan niya ang pagtulo ng luha nito.

“Anong nangyari sa iyo Antonio? Bakit ka nagkaganyan? Bakit mo pinatay ang kaawang-awang magsasaka na iyon?”

“Oo tama ka. Isa akong halimaw. Isa akong bampira. Sinisipsip ko ang mga dugo ng mga mortal at  hindi ko kayang kontrolin. Iyon ang nagsisilbing pagkain namin.”

“Namin? Ibig sabihin marami kayo? Hindi, anong gagawin ninyo sa sangkatauhan? Gagawin ninyong pagkain lamang?”

“Maari kang sumama sa akin Josepina. Maari kitang gawing katulad ko, maging bampira din nang sa ganoon ay hindi ka gawing pagkain ng mga kasamahan ko.”

Hindi! Hindi ako magiging halimaw katulad ninyo. Hindi ko kailanman gagawing pagkain ang kapwa tao ko Antonio! Minsan ka rin nagging tao Antonio at hindi ako makakapayag na gawin ang karumal-dumal na pagpatay sa kapwa ko,” mariing banggit ni Josepina sa kasintahahan.

“Patawad Josepina. Gusto ko lamang protektahan ka dahil alam kong magiging isa ka sa kanila.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Pinaplano ng aking mga kasama na lipunin ang lahat ng mga mortal na naninirahan sa lugar na ito, mi amor. Hindi ako papayag na mapabilang ka sa kanila.”

“Ngunit ayoko rin maging isa sa inyo Antonio. Hindi bali na maging pagkain ninyo ngunit hinding-hindi ako magiging halimaw katulad mo Antonio.”

“Sige Bahala ka basta ipinapangako kong proprotektahan kita.”

Naputol ang kanilang pag-uusap nang may marinig na ugong ng sasakyan. Tumigil ito sa harap nila.

“Tara na! kailangan na natin lumayo!” sigaw ng lalaki na nasa driver’s seat.

“B-bakit? Anong nangyayari?” tanong ni Josepina.

“Ang mga halimaw. Sumalakay sila kani-kanina lang kaya bilisan ninyo baka maabutan nila tayo. Mga mamatay tao sila,” ang katabi nito ang sumagot. Napatingin si Josepina sa kanya.

“Sige na Josepina. Sumama ka na sa kanila. Huwag kang mag-alala babantayan ko kayo.” Bago ito sumakay ay hinalikan niya ito sa noo. “Huwag kang mag-alala sa akin kaya ko silang labanan.”

Sumunod siya sa sasakyan. Pumatong siya sa bubong ng sasakyan upang magbantay kung sakaling may sumalakay. Hindi nga siya nagkamali. Dalawang bampira ang humabol sa sasakyan ngunit bago itong makalapit ay hinarangan niya ito. Pinigilan niya ang dalawa at ginawang abo. Muli siyang sumunod sa sasakyan ngunit hindi niya inakalang nandoon si Redel.

Nakapatong ito sa sasakyan at nakaharap sa kanya si Redel. Hindi niya na ito napigilan. Tinakot niya ang mga nakasakay sa loob kaya bumangga ito sa poste. Kaagad niyang kinuha si Josepina na wala nang malay, nakalabas naman Kaagad ang  nagmamaneho ngunit ang isa nitong kasama ang hindi nakaligtas. Sumabog ang sasakyan.

Inilayo niya doon si Josepina. Matulin siyang tumtakbo papunta sa kagubatan. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Redel kaya naghanap siya ng paraan para hindi makasunod ito. Ngunit wala rin silbi. Ang tanging magagawa niya ay patayin si Redel. Ibinaba niya si Josepina. Pinunasan niya ang dugo sa noo nito bago iniwan. Hinarap niya si Redel.

“Mabuti’t tumigil ka rin kaibigan!” anas ni Redel.

“Tigilan mo na ang kalokohang ito Redel! O sige papayag na akong lipunin silang lahat ngunit hindi mo magagalaw si Josepina!”

Tumawa ito. “Niloloko mo ba ako? Kailangan ko yang babae para paramihin ang ating pagkain! Bakit kailangan mo itago iyang babae. Babae lang yan Antonio.”

“Tumigil ka Redel. Huwag mong iinsultuhin ang pinakamamahal ko.” Nagkuyom ang kanyang mga mata. Batid niyang nagkulay pilak ang kanyang mga mata.

“Oh huwag mo akong bigyan ng ganyang tingin Antonio.” Muli itong humalakhak. “Babae? Mahal? Nakakatawa ka talaga Antonio. Mortal lang iyan. Nagsisilbing pagkain lang iyan sa atin.”

“Walang hiya ka talaga.” Nilusob niya ito. Naitaboy niya ito sa malaking puno at pinagsusuntok. Nakalaban naman ito sa kanya. Inihagis din siya nito ngunit hindi kalayuan. Kaagad niya itong sinungaban ngunit nakapalag naman ito. Nakatakas ito at nagtungo sa pinagiwanan kay Josepina. Naagapan naman niya ito. Muli niya itong inihagis at inilayo si Josepina. Matibay talaga si Redel. Sinundan na naman siya nito kaya nang mahawakan niya ito sa leeg ay hindi na siya nagpatumpik pa na hiwain iyon at putulin ang pulso nito. Hindi pa siya nakontento sinaksak niya rin ang puso nito. Kaagad itong nauwi sa abo.

Naabutan niyang nagkamalay si Josepina. Natakot ito nang Makita siya kaya hindi niya itong napigilan tumakbo palayo. Sinundan niya ito. Alam niya na nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata at mahaba pa rin ang kaniyang mga pangil ngunit hindi pa iyon huhupa hangga’t hindi pa rin siya kumakalma.

Nakita niya itong Nadapa at sa hindi inaasahan ay tumama ang ulo nito sa malaking bato.

“Josepina!” tawag niya ditto. Nataranta siya. Lumapit siya ditto at ipinangko ito. Wala na itong malay. Masama ang pagkakatama nito sa bato dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa sentido nito. Napansin niyang namumutla na ito. Pinakinggan niya ang pulso nito ngunit pahina ng pahina na iyon. Naisip niyang gawin itong bampira para mabuhay pa ito ngunit nangako siyang kahit anong mangyari ditto ay hindi niya itong gagawing bampira.

Naalala niyang may kakayahan siyang buhayin ang isang nilalang sa pamamagitan ng isang ritual. Isa siyang Pureblood, at siya lang ang kauna-unahang nilalang na ganoon sa kanilang angkan. Ipinasa sa kanya ng kanyang lolo ang kakayahan na iyon ngunit dapat maging handa ang isang nilalang sa mga haharapin ng isang itinakda. Hangga’t hindi napapakinabangan ang kakayahan na ipapasa niya sa isang mortal ay mapapasa ito sa susunod na salinlahi.

Hindi niya na inisip ang kapalit niyon sa oras na gawin niyang itinakda si Josepina. Ang tanging mahalaga ay mabuhay ito. Sinimulan niya na ang ritual. Ipinadapa niya si Josepina, pinunit niya ang damit nito sa likuran. Nagaalangan man ngunit ginamit niyang panulat ang sariling mahahabang kuko  sa likod nito. Sa unang pagguhit ay hindi ito dumugo ngunit nang malapit niya na matapos ay saka lamang binalot ng sariling dugo ang likod nito. Ibig sabihin lang niyon ay tinatanggap nito ang maging itinakda. Nilaslas niya ang kanyang pulso at hinayaang humalo ang kanyang dugo sa dugo nito. Mayamaya pa ay pumasok na ang mga dugo sa katawan na tila may mga isip.

Matapos ang ritual ay narinig niyang umungol si Josepina.  Nagkamalay na ito.  Muli niya itong pinangko. Nagdilat ang mga mata nito.

“Josepina. Ako ito si Antonio,” wika niya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

“A-antonio. S-salamat,” huling bigkas nito at muling ipinikit ang mga mata nito.

“Magpahinga ka lang, mi amor.”

The Chosen(COMPLETE!!)Where stories live. Discover now