The Chosen Chapter Seventeen

313 4 0
                                    

"Wohoo! WELCOME HOME GIE!" Bungad sa kanya ng tatlong bruhilda niyang kaibigan pagbabang pagbaba niya ng sasakyan ni Ceiv.

"Grabe naman! Ang ingay ingay niyo kakastress!" Reklamo niya, sabay irap sa mga lto.

" Aba't nagbakasyon ka lang sa Palawan antaray mo na te!" sabi ni Cess.

"Oo nga! My pastress stress ka pa nalaaman diyan at irap di bagay sayo! Sus!" segunda naman ni Rain.

" Feeling mo galing ka ibang bansa! Feeler ka! Hmp! " sabi naman ni Lyn.

Hindi niya na mapigilan ang tawa. Masyadong matampuhin.

"Grabe iyon lang sinabi ko dami niyo ng satsat! Haixt pero namiss ko kayo! Pa hug nga!" sabi niya sabay umakto na yayakapin ang mga ito. Yumakap naman ang mga ito, hindi lang halata na namiss nila siya kasi ang higpit ng yakap nila! Halos di na siya makahinga.

"Teka teka awat muna, di ako makahinga senu grabe! Nakakamatay yakap ninyo!" reklamo niya sabay hawak sa dibdib umakto siyang parang nahihirapn huminga.

"Ah ganon pala!" chorus na sabi ng mga ito sabay kiliti ng bonga bongga sa kanya. Hindi naman siya magkaugaga pano umiwas sa mga ito.

"Ehem"

Napatigil sila sa agaw pansin na iyon. Napatingin siya sa mga kaibigan niya. Si Cess napakagat labi at ang dalawa ay nanlaki ang mga mata lalo na si Rain dahil malaki na ang mga mata nito.

Hindi niya na napigilang mapatawa. Sobrang nakakatawa kasi ang mga reaksyon ng mga ito.

Bigla naman siya kinurot ni Cess. "S-si fafa Ceiv!" sabi nito habang kinikilig, napalingon siya.

Muntikan niya naman makalimutan ito. Kaya ganoon ang mga reaksiyon ng mga ito dahil super crush nila si Ceiv. Nalala niya pa dati na tinatarayan siya ng mga ito kapag sa kanya lang nakatitig si Ceiv. Natatawa lang siya sa mga itsura nito. Minsan nga naiisip niya kung kaibigan niya nga ba ang mga ito.

Nang makalapit ito sa kanya ngumiti ito. Pero sinimangutan niya lang ito. Naging bitter naman ang tingin sakanya ng tatlong bruhilda.

"So una na ako Gie. Have a nice day sa inyo" sabi nito sabay halik sa pisngi niya.

Ikinagulat niya iyon.

Aba nakaisa ito sa akin ah.

Nang tumingin siya sa mga frends niya mas lalong shock ang mga ito. Di niya alam kung namula siya.

Bago pa siya makaimik nakalapit na ito sa sasakyan nito. Gusto niya pa naman singhalan ito sa walang paalaman na paghalik nito sa kanya.

Pero gusto mo naman, sabi ng maliit na tinig.

She sigh.

"Oi ano iyon? May something ba nangyayari sa inyo ha?" mapanuksong sabi ni Cess. 

"Ah w-wala ha. Sinong may sabi sayo?" inosente niyang tanong.

" Naku tanggi pa e, halata po kaya sa mukha mo ate. Ayan o namumula ka" sabi naman ni Lyn.

"Teka teka lang.. Dont tell me may.. may kung anong gina---" pinutol niya ang sasabihin ni Cess.

" ANONG GINAWA?! HAHAHA, wala kaming ginawa no? hay naku ako nanaman pinagtritripan niyo, tara na nga sa loob at nang makakain na gutom lang yan mga dre" aya niya nalang para tigilan na sya ng mga ito.

Bago pa siya makapasok sa loob sinipat niya muna ang sasakyan ni Ceiv papalayo. Infernes dito inalagaan siya nang husto nito noong nasa Palawan sila. Iyon nga lang napakadami niyang natuklasan tungkol dito at sa pagkatao niya.

The Chosen(COMPLETE!!)Where stories live. Discover now