The Chosen Chapter Twenty One

164 1 0
                                    

"Gie.."

Lumingon siya para makita kung sino ang tumawag sa kanya..

"Gie dumating na si Dad, gusto ka niya makilala," sabi ni Ceiv nang makalapit na ito ng husto.

Tumingin siya sa mga mata nito. Bigla siya nakaramdam ng kaba.

"Uhmm Ceiv huwag na lang.."kapagkuwan sabi niya.

"Bakit naman?"tanong nito na hindi pa rin mawala ang ngiti.

"Eh kasi kinakabahan ako eh, Paano kung hindi ako magustuhan ng Dad mo? Paano kung mapangitan siya sa akin? Kung ayaw--"

Bigla na lamang nito tinakip ang daliri nito sa bibig niya..

"Shhhh... Ano ka ba Gie, hindi ganoon si Dad. Im very sure magugustuhan ka niya at sa gandang mo iyan tiyak hindi na iyon magaalinlangan. Excited nga siya makita ka.."sabi nito at tinanggal na ang daliri nito at hinawakan ang kanyang kamay. "Relax."

Huminga siya ng malalim. Ano nga ba dapat ipag-alala niya.

Pumasok na sila sa loob ng bahay ni Ceiv. Naburangan nila si Tita Amanda na noo'y abala sa paguutos sa mga katulong ng mga gagawin dahil magsasagawa sila ng welcome party para sa Daddy ni Ceiv.

Itinahak siya ni Ceiv paakyat kung saan ang office room ng daddy niya. Hindi niya alam kung bakit  pero lalo nadadagdagan ang kaba niya. Pero sa kabila ng kaba parang nas-sense niya na may masamang mangyayari.

Nasa tapat na sila ng kuwarto. Napahigpit ang hawak niya sa kamy ni Ceiv.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

Inirapan niya na lang ito.

Binitawan na ni Ceiv ang kamay niya upang buksan ang chinese style sliding door sa harapan nila.

Pagpasok nila sa loob ay imbes na kaba ang maramdaman niya ngayon ay napalitan na ito ng takot, Takot para sa kanyang buhay. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang nararamdaman niya. Pilit niyang inaalis iyon sa isip ngunit hindi niya mapigilan.

"Gie ayos ka lang ba?" tanong ni Ceiv. Kasulukuyan silang nakaupo sa couch. Nakatalikod ito sa isang sliding door kung saan  nakalagay ang office table nito. 

Tumango naman siya bilang tugon.

Umiling si Ceiv. "I think youre not."

"Hindi ko alam Ceiv."

Kumunot ulit ang noo nito. He's staring at me eagerly. "I cant read your mind."

"How--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang marinig nila ang pagbukas ng pinto mula sa likod.

"Oh nandito na pala kayo." Kapagkuwan sabi nang nasa likuran.

Tuluyan na silang napalingon.

Ngunit..

Ngunit laking gulat niya sa nakita.

Napatayo siya nang nanlalaki ang mga mata.

Pakiramdam niya nagtatambol sa takot ang puso niya. Nilamon siya nito ng husto. Gusto niyang tumakbo.

Hindi pwede! Imposible!

"Bakit Gie?" tanong ni Ceiv na napatayo na rin.

"Kamusta na Jessilyn?" tanong ng lalaki nasa harapan niya ngayon at matalim ang tingin sa kanya.

Humakbang ito ng kaunti kaya  napaatras siya at hindi niya napansin ang lamesa at natabig niya ang nakapatong dito.

"Gie.." buong pagaalala ni Ceiv.

The Chosen(COMPLETE!!)Where stories live. Discover now