The Chosen Chapter Twenty Seven

145 4 2
                                    

Pagmulat ni Gie natanaw niya ang madilim na kisame. Medyo nanlalabo pa ang kanyang mata at mabigat pa ito kaya hindi niya marecognize ang mga bagay sa paligid.

Pero nakakaramdam siya ng init mula sa likod o mas tama sa hinihigaan niya at pakiramdam niya ay nakagapos siya.

Bigla siya napatingin sa kamay niya.

"What the heck!!"

Kaya pala nakagapos nga siya sa sementadong krus. And dalawang kamay niya ay pantay sa kanyang balikat at ang paanan niya ay magkahiwalay parang asterisk ang itsura. And ang worst, kaya pala mainit dahil nasa ibabaw siya ng naglalagabyab na apoy.

Parang itong malalim na balon na ang laman ay apoy at nakapatong ang sementadong krus na hinihigaan niya ngayon at hindi lubid ang nakatali bagkus ay malalaking kadena!

Sinubukan umalis sa pagkakagapos pero masyado siyang mahina para makaalis doon. Ano bang naisipan nila at ginapos siya ng husto?!

"Gising ka na pala?" may pamilyar na boses siyang narinig at napatingin siya dito.

Ang kanyang Lola na nanggaling sa entrada ng malaking silid.

"How are you honey? are you okay?" sabi nito na parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Damn you!!"

Lalo siyang nagngitngit ayaw niya sana maging bastos.

Madami siyang tanong. Ano bang ginawa niyang atraso dito at trinaydor siya ng sariling kadugo, sariling Lola. Diba dapat maging mapagaruga at proprotektahan ng mga Lola ang kanilang apo? Pero bakit siya ganyan? Anong ginawa nila Redel upang magkaganito siya?

"Oh, wala ka na pala galang sa mga matatanda especially sa iyong Lola.." malumanay nitong sabi.

"Paano ko gagalangin ang isang tulad mo?! Kita mo ang ginagawa mo sa sariling mong apo!!" sigaw niya dito.

Humaglpak lang ito ng tawa. What the heck is her problem?!

"Sariling apo? Kailanman hindi kita itinuring na apo? Hindi kita itinuring na kadugo! Kung hindi nakipagrelasyon ang anak ko sa hayop na Antonio na iyon hindi ka sana mabubuhay sa mundong ito! Hindi sa mangyayari ang lahat ng ito! Walang kaming makikilalang mga bampira at baka matagal na naging masaya ang pamumuhay ng pamilya ko!!" sabi niya.Galit na galit siya pero nakikita sa kanya ang lahat ng pagsisisi.

"Pero alam ko, alam ko napatawad mo na ang ama ko, natuwa ka pa Lola nang magalok ng kasal ang ama ko sa nanay ko, sa anak mo Lola! Alam natin na hindi naman tunay na anak ng hari ang nanay ko at matagal na panahon na iyon!" sabi niya dito.

"Matagal na panhon?!!"

"Tumigil kayo!!" bigla may ibang sumigaw.

At nanlaki ang kanyang mga mata..

"V-vincelido?" halos pabulong na sabi niya.

"Sa wakas nagkita rin tayo.." sabi nito.

Sa tingin pa lang mas nakakatakot ito kaysa sa kaninong mababagsik na bampira. Parang itong nagaanyong tao pero sa likod nito ay isang malaking halimaw. Kahit kalmado ang mga kilos nito pero ramdam niya ang napakabangis na aura nito.

"Ano bang balak niyo sa akin?" buong tapang niyang tanong nang makalapit na si Vincelido sa kanya. Parang may hawak ito ng kung ano.

"Relax... Alam ko naman kakayanin mo ang sakit.... " sabi nito at walang paalam na itinurok ang kung ano man sa kanyang ugat!

Naghihiyaw siya sa sakit. Ramdam na ramdam niya ang pagdaloy nito sa kanyang ugat! Para itong sasabog. Halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang sakit!

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon