The Chosen Chapter Twenty Nine

132 3 0
                                    

"WHO the heck is she?" naging reaction ni Ceiv.

Dahil doon naalimpungatan si Gie. Kaagad siyang tumingin kay Ceiv na nakaalalay sa kanya. Lumingon naman siya sa tinitingnan nito at laking gulat niya sa nakita.

Kamukhang kamukha niya ang nakatayong babae sa harapan nila ngunit matalim ang tingin nito sa kanila at napakaitim ng aura ang pumapalibot dito.

"S-sino s-siya?" tanong niya na halos wala nang boses.

"Isa siyang masamang katauhan mo Gie.." ang matandang babaylan ang sumagot sa katanungan niya. "Inialis ko lang siya sayo upang hindi ka tuluyan lamunin ng iyong galit at tuluyang mawala sa sarili na maaaring sanhi ay ang paglipon mo sa buong lahi ng mga bampira maski ang iyong pinakamamahal sa buhay ay maari mong saktan.." paliwanag nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita at nalaman. Tiningnan niya ang kanyang masamang katauhan, parang itong nagngingitngit sa galit. 

"Siya din ba ang katauhan ko noong debut ko?" tanong niya.

"Oo hija ngunit hindi pa sapat ang iyong nararamdamang galit noon kaya nagawa mo pang makabalik sa iyong katinuan." sagot ng babaylan.

"Pero siya ang dahilan kung bakit makakayanan kong labanan si Vincelido. At isa pa, ang nangyari kahapon.. nagawa kong kontrolin ang sarili ko kaya siguro naman hindi siya masama para sa akin.."

"Hindi mo lamang namamalayan Gie na unti-unti niyang nilalason ang iyong dugo. Siya ang nagligtas sa iyo ngunit may kapalit iyon. Sa tuwing nakakaramdam ka ng galit lalo kang lumalakas ngunit lalong nalalason ang iyong dugo at kapag tuluyan ng nalason ito maghahangad ka ng dugo ng mga bampira at lalo kang lalakas, sa paglakas mong ito.. wala na sino man ang makakatalo sa iyo..At.. mawawala na ang pagiging mortal mo hija.."

"Kung itataboy niyo siya sa akin, mayroon pa rin ba akong lakas para matalo si Vincelido?"

"Mayroon pa naman, isa kang kalahating tao at bampira ngunit hindi sapat iyon.."

"I'm sorry Gie, ang gusto ko lang naman ay maligtas ka.. I didnt mean na ihiwalay siya sa katauhan mo.. I mean, you are the most important for us kaysa sa pagpatay mo kay Vincelido.." sabi ni ate Eliza.

"Wala naman iyon sa akin ate Eliza.. Ang inaaalala ko lang na mapapahamak kayong lahat kung hindi ko mapapatay si Vincelido. Ngayon na umalis siya at hindi ko maramdaman kung nasaan siya baka bigla na lng iyon sumugod dito... but I'm not saying na gusto ko maging halimaw, ang gusto ko lang ay matalo siya.."

"Don't worry Gie, nandito naman ako, proprotektahan kita at gusto ko na ako ang tatapos kay Vincelido.." sabi naman ni Ceiv.

"Salamat Ceiv pero alam ko ako ang kailangan ni Vincelido..Kailangan ko ang katauhan na iyan para matalo siya ngunit ang gusto ko pagkatapos ko siya patayin ay... patayin niyo na rin ako para--"

"Hindi Gie! Kaming mga bampira ang salot sa mundong ito, ikaw ang magproprotekta sa mga tao.. Kaya kung gusto mo ibalik ang katauhan na iyan hindi ako tatanggi ngunit sana may paraan na hindi malason ang iyong dugo.."

Naiiyak na siya. Hindi niya na malaman kung ano ba ang nararapat. Tumingin siya sa babaylan.

"Wala na bang ibang paraan?" tanong niya.

"Mayroon.."

Nabuhayan siya ng loob. "A-ano iyon?"

"Ang singsing... tanging ang bagay na iyon ang makakatulong sa iyo upang hindi ka lubusan malason ang iyong dugo kapag bumalik ang masama mong katauhan sa iyo."

"Singsing? anong itsura?"

"Nakita mo na iyon Gie, naaalala mo ba ang unang pangyayari sa buhay mo na may nakitang kang bampira?"

The Chosen(COMPLETE!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon