"Kung bukas ay maypaalam, huwag nalang sanang magkita muli."

11 1 0
                                    

Matagal-tagal na rin nang huli kitang sinulatan —

Walong taon? Siyam? Sampo?

Kita mo,
pati oras hindi ko na matandaan.

Ang bilis ng panahon;

sabi nila ang oras ay isa lang ilusyon
na ang mga bagay-bagay
ay bunga lang ng pagkakataon.

Pinangako ko rati na hindi na kita susulatan pa;

bata pa tayo no’n —
susulat ng tula
pilit lang naman ang tugma;

mga munting ngiti mo pa
ang bumubuo sa araw ko;
amoy araw pa ako no’n,
hindi pa uso sa akin ang sabon.

Pagkatapos ng hayskul
wala na akong balita sa ‘yo,
kung nag-asawa ka ba
o kung nagpatuloy kang mag-aboga

bigla ka kasing nawala
lahat kami
walang alam kung saang lupalop ka napunta —

hanggang sa isang araw;

bunga na rin siguro ng pagkakataon,
muli tayong nagkita.

Nagdoktor ka pala.

“Lumalaki ‘yong puso ko tuwing nakatutulong ako,”
sabi mo pa.

Lumabas tayo
isang Linggo
nagtungo sa lugar
kung saan nangako
na magtagpo sa hinaharap:

ito na ‘yong pangarap

kulang nalang ay ang paglasap.

Ganoon pa man,
kahit na wala nang tibuok
ang puso mo rito sa mundo
singlaki naman ng mundo
ang puso mo sa lahat ng tinulungan mo.

At siguro parte ‘to ng pagkakataon;

na muli kitang mayakap

na mas mahigpit
at masabi ang dati ay hindi masabi

hindi para gumawa ng mas maraming alaala

kun’ ‘di

upang magpaalam:

sana hindi nalang tayo muling nagkita.

RecuérdameWhere stories live. Discover now