Chapter 40-"PARTY "

50.4K 627 41
                                    

Chapter Forty-''Party''

Hana's P.O.V:

''Rei naman! Tama na nga yan. Kung anu-anong kolorete na yang nilalagay mo sa mukha ko. The last time na nilagyan mo ako ng make-up, napapanis ang mukha ko at higit sa lahat kumati. At saka para na akong beki sa sobrang kapal.'' Reklamo ko kay Rei.

Nasa loob kami ng guest room. At dahil kay Rei lang ako comfortable magpamake-up, siya na ang gumawa nun sakin.

''Ano ba naman, Hana Nicole! Puwede kahit ngayon lang, huwag kang OA sa pagkareklamador. Kung di lang kita kaibigan, pinabayaan nakitang malosyang sa harapan ng parent ng asawa mo!''

Natahimik ako. Bago to ah. Si Christianee Rei? Galit. Baliw si Rei pero kapag naubos na ang timpi niya, magbalut-balot kana.

''Tapos! Tss! Kung tahimik kana sana nung una pa lang eh di sana kanina pa tayo tapos.'' Matabang pa ring saad niya.

Darating ang parents ni Matthew rito sa Pilipinas. At dahil mayaman ang pamilya nila, paparty agad. At dito sa bahay gaganapin ang big party. Pormal na din akong ipakikilala ni Matthew sa mga kaibigan at kasosyo niya sa business kaya kailangan kong maging maganda kahit na natural na akong maganda.

Sa una tatanggi sana ako pero nang malaman ko may darating na mga reporter para isulat sa pahayagan na married na si Matthew. Syempre umu 'oo' na ako noh. Para naman yun sa akin. Para wala ng pesteng malalandi na lumapit sa asawa ko.

''Hana!'' Si Matthew na pumasok sa loob ng kuwarto. Tumingin siya kay Rei. ''Bakit di pa siya nakabihis?''

Nagsalubong ang kilay ni Rei at napacrossed-arm. Okay. Mukhang di talaga maganda ang mood ni Bessy. ''FYI, Mr. Montecarlo. Hindi ako Yaya ng asawa niyo at lalong hindi mo ako tauhan. Kaya wala kang karapatan para utus-utusan ako. Bestfriend niya ako. Intendes?!''

Hindi siya inurungan ni Matthew. Oh my God! I smells trouble!''Name your price. Kahit magkano.''

Matthew's dead! Ubus na ang tinitimping pasensya ni Rei. Kaya bago pa magkaroon ng World War 3, tinulak ko na si Matthew palabas ng kuwarto. ''Hihi! Labas kana Pancake. Madali lang akong magbihis. Sige na, sunod lang ako.''

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon