Chapter 47-"BEING INLOVE SOMETIMES HURT "

41.6K 553 31
                                    

Chapter Forty Seven-''Being Inlove Sometimes Hurt''

Hana's P.O.V:

''M-Matthew... Nag usap lang kami ni---''

''Sa bahay tayo mag usap.'' Malamig na sagot ni Matthew.

Nang makarating kami ng bahay, marahas akong kinaladkad ni Matthew papasok. ''Ano ba, Matthew! You're hurting me!'' Napangiwi ako habang  hinihila niya ang braso ko. Ramdam ko kung gaano siya kagalit. Hindi niya ako pinapakingan. I bite my lip nang makita na naroon ang tatlong escorts ko kanina na siyang tinakasan ko. Nagbaba ako ng tingin.

''You are all fired!'' Galit niyang bulalas sa tatlo. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Hindi makapaniwala.

Nang makapasok kami ng bahay, marahas akong binitiwan niya.  ''Hindi ka ba talaga nakikinig sa akin, Hana?! Kailan ba papasok sa kukote mo na masamang tao si Jerome!''

''At hindi ka rin nakikinig sa akin. Kailangan kong makausap si Jerome para maliwanagan, Matthew. Gusto ko siyang makausap dahil------''

''Dahil mahal mo siya.'' Hindi ako makaniwala sa ipinapatuloy niyang sasabihin ko. Natahimik ako.

''Hindi. Gusto ko siyang makausap dahil gusto kong tiyakin ang mga nangyari. Kontring alaala pa lang ang nagbabalik sa akin, Matthew. Gusto kong maliwanagan kung bakit ako nagawang itakas ni Jerome. Gustong gusto ko ng maaalala ang lahat.''

''Sh*t na rason, Hana! Kung gusto mo ng paliwanag nandito ako. Kung gusto mong maalala na ang lahat, pwede  kitang ipacheck up sa lahat ng doctor. Hindi mo kailangan si Jerome!''

''Hindi sapat ang paliwanag mo, Matthew. At hindi sapat na ipatignan mo ako sa doctor ay maaalala ko na ang lahat. We've been to a lot of specialist doctors pero ang tanging maibibigay nilang sagot ay 'in time babalik din ang memorya ko'.''

Katahimikan sa pagitan namin. Napahinga ako bgo umupo sa kama. Pakiramdam ko napagod ako ng sobra.

''Hindi ka pa rin makikipagkita sa kanya. Sa oras na suwayin mo ako this time. There will be no mercy na makukuha mo mula sa akin.'' Nag angat ako ng tingin sa kanya.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon