Chapter 49-"REALIZED AND REMEMBERED"

44.6K 596 63
                                    

Chapter Forty Nine-''Realized And Remembered''

                      

Hana's P.O.V:

''Mom, why is it Daddy didn’t go home last night?'' Natigilan ako sa pagsubo kay Danzel. Di ko malaman ang tamang isasagot sa tanong niya.

Nang mag-away kami kahapon, umalis si Matthew ng bahay nang walang paalam o pasabi man lang kung saan pupunta at hanggang ngayon nga hindi pa ito nakakauwi.

''Uh. May biglaang business trip ang Daddy, baby. Kaya ako na lang muna ang maghahatid sayo. Okay lang ba?'' Pinilit kong maghimig na masaya.

Malungkot na tumango ang bata. Hays! Ano ba ang dapat kong gawin? Pati si Danzel naaapektuhan na. Hinawakan ko ang pisngi niya.

''Cheer up, baby! Dont be sad. Mamayang pagsunod ko sayo, itutuloy na natin ang mother-daughter bonding natin. Gusto mo ba?''

Nagliwanag ang mukha ni Danzel. ''Really?! Yes, Mom!'' Niyakap ko ang anak ko.

Hays! Kung may masisigurado lang ako. Iyon ay ang mahal na mahal ko si Danzel. At hindi ko siya hahayaang mawala sa akin.

Pagkatapos kong maihatid sa school si Danzel. As usual pumasok na ako ng school at ang nakakainis absent namn si Rei. Hays! Sa buong araw ko sa school, wala akong nakausap. Ang saklap ng buhay ko!

Tsinek ko yung cellphone ko. Walang miscalls o texts man lang .

Matapos ng huli kong klase, sinundo ko na nga si Danzel at dinala sa mall. Namili kami at kumain tulad ng mga karaniwang ginagawa ng mommy-daughter bonding. At mukhang na-enlighten naman ang mood ni Danzel at di ko rin mapigilan na makadama ng saya dahil roon. Totoo nga pala na nakakapawi ng sakit at pagod sa puso ng ina ang saya at ngiti ng mga anak nila

Pagdating namin ng bahay, bumigat ulit ang pakiramdam ko dahil hindi pa umuuwi si Matthew.Matapos kong pakainin at patulugin si Danzel , I decided na tawagan ang cellphone niya pero out of coverage. Grr! Paniguradong sinadya niyang patayin ang cellphone.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon