Chapter 18-"BASKETBALL GAME"

55.3K 809 23
                                    

 Chapter Eighteen: ''Basketball Game''

Hana's P.O.V:

'Anak ng tinapa! Ang hirap ng may kasalanan!' Bulong ko habang tila magnanakaw na pumasok ng bahay at ngayon nga paakyat na ako ng hagdan.

Sinadya kong umuwi ng late para tulog na ang mga katulong lalo na si Matthew. Ayokong mainterrogate! Makikitulog na lang ako kay Danzel.

Nasa ikalawang hakbang na ako sa hagdanan nang matigilan ako sa pagbukas ng ilaw. Holy Sh*z!

'Owkay Hana! Hingang malalim! Mas mabuti nang mapagalitan ka ngayon pero wait wala naman akong kasalanan ah. Tss!'

Dahil sa isiping yun, napatuwid ako ng tayo. Kung kanina lang para akong magnanakaw ngayon naman nag-asta akong may-ari ng bahay.

Nagtaas ako ng kilay. ''Gising ka pa? Hinihintay mo ako?'' Lol! Ansabe ng tanong ko! Kapal muks lang!

''Hindi.'' Malamig ang boses niya. Gininaw ata ako. ''Katatapos ko lang basahin ang presentation ko for tomorrow. Uminom lang ako ng tubig at aakyat n asana ng kwarto para matulog nang makita kita.''

Napahiya naman ako sa sagot niya. Argh! Yan kasi masyadong feeler!

''O-Okay.'' Sagot ko at tatalikuran na sana siya nang magsalita siya ulit. ''You didn’t answer my question yet.''

At dahil naiinis ako sa sagot niya. Mataray ko siyang sinagot. ''Wala kang pakialam!''

Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. ''Ano ba, M-Matthew?'' Hindi ko gusto ang nakikitang galit sa mga mata nito.

''I'll prove to you that i am million times better than your other man.'' He smirked. ''Lalampasuhin ko siya bukas.'' Patuloy niya bago ako binitawan at nauna ng umakyat.

Hanudaw? Other Man? Ang walang modong lalaki ba yun ang tinutukoy niya? Goshibells! Ni hindi ko nga kilala ang lalaking yun. Napailing na lamang ako ngunit natigilan rin nang maalala ko ang huli niyang tinuran.

''Oh my God! Anong ibig niyang ipakahulugaan na lalampasuhin niya si walang modong lalaki. Oh No! No! Di kaya ipapabugbog? Sasabutahin ang negosyo? Or worst ipapasalvage? Humaygadding! Kahit naman abot hanggang langit ang inis ko sa walang modong lalaking yun, ayoko ring makapatay si Matthew!''

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon