Chapter 14-"PUNISHMENT"

56.7K 946 35
                                    

 Chapter Fourteen:''Punishment''

Matthew's P.O.V:

''Ma'am. Ako na po dyan. Kagagalitan po kami ni Ser Huward pag nakita kayong ginagawa yan.'' 

''Dont worry, Manang. Sagot ko kayo.''

Kararating ko lang ng bahay nang marinig ko ang boses ng katulong sa kusina at boses ni Hana nang mapadaan ako roon. Tumawag muna ako sa bahay kung naroon si Hana at nang sabihin ni Manang na naroon na ang mag-ina ko mabilis kong tinapos ang trabaho ko.

''Ma'am naman.... Iba po magalit si Ser Huward.''

Humakbang ako patungong kusina at nakita ko si Hana na nagluluto habang nasa tabi nito ang ntatarantang katulong.

''Manang. Keri ko na toh. Pagluluto po ang passion ko. At gusto kong ipagluto ang mag-ama ko.''

'Mag-ama... Hindi ko alam na masarap yun sa pandinig ko lalo na at galing sa mga labi ni Hana.'

 

''Pero Ma'am--''

''Hayaan niyo na siya, Manang.'' Sumingit na ako sa pag-uusap nila. Napabaling ang tingin nila sakin.

Hana's P.O.V:

 Kanina pa ako nakukulitan kay Manang. Pinipilit kasi nitong huwag na akong magluto sa kusina. Heller! Pagluluto ata ang hilig ko.

''Hayaan niyo na siya, Manang.'' Napabaling ang tingin ko sa boses nay un. Si Matthew! ''Sige na Manang. Iwan niyo muna kami.''

Binalik ko ulit ang tingin sa pagluluto at umaktong wala siya roon nang iwan kami ni Manang.

''Hana... Mag-usap tayo.'' Panimula niya.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon