Chapter 60-"PAINFUL GOODBYE"

42.5K 707 105
                                    

Chapter Sixty: ''Painful Goodbye''

Matthew's P.O.V :

"Okay  then . I'll sign those.''

Hindi nakaligtas sa akin ang pagkabigla ni Hana nang sabihin ko sa kanyang pipirmahan ko na ang mga dinala niyang papeles.

Yeh ! I can't live without Hana!Infact, she's my life , my soul and my heart . Siya lang ang dahilan kung bakit ako nag e'exist at humihinga pa .Isipin ko pa lamang na hindi na siya magiging akin , para ng unti unting kinikitil ang buhay ko .But d*mn it ! Kaya kong masaktan at mamatay ng paulit ulit , wag lang siya ang mahirapan at masaktan . I can bear those hardship for Hana .

Kaya papakawalan ko siya ....FOR GOOD ... hindi dahil di ko na siya mahal kundi mahal na mahal ko siya ng sobra na kahit pakawalan siya para maging masaya at di na masaktan pa gagawin ko

"Kunin mo na lang toh bukas sa bahay NATIN " Sinadya kong diinan ang salitang 'bahay natin' na matagal ko na ring hindi napupuntahan dahil maraming alaala sina Danzel at Hana roon. Mga katiwala at ang mayordoma lang ang naroon para mgbantay ng bahay.

"Bakit kailangan sa bahay pa? B-bakit di mo na lang pirmahan ngayon?Walanamang pinagkaiba yun diba ?''

"I have too much works na dapat tapusin, Hana . Kaya kung ayaw mo , dalhin mo na ulit  ang mga papeles natoh "-Malamig kong tugon

"God, Matthew ! Pirma mo lang ang kailangan ko . Bakit----"

"Ang kasal natin ay parang deal sa business ,Hana . Kailangan ko munang pag aralan bago pirmahan !"- Matabang kong sagot.

Natigilan siya pero sumagot din. "Ganun ba ! Okay ! Fine ! Pupunta ako sa bahay !" Galit nitong tugon saka walang paalam na umalis.


 

Nang wala na siya parang naubusan ako ng lakas na napasandal sa swivel chair ko at kinuha ang laman ng envelope na dala ni Hana at saka binasa ang mga naturang papeles.


Kung ang kahulugan ng kasiyahan ni Hana ay ang pagpapalaya ko sa kanya . Handa ko yun ibigay kahit gaano pa kasakit.

***

Hana's P.O.V :

"Putrages! Hana! Wag kana umiyak ! Tigilan mo na yan ! Di ba ito naman ang gusto mo , ang tuluyan na kayong maghiwalay ng asawa mo !" Galit kong pangaral sa sarili ko habang nagddrive pero wala talaga. Parang poso na patuloy ang mga luha ko sa paglandas na kaagad ko namang pinupunasan na as if may nakakakita sa akin.

Napakasama ni Matthew ! Ang sama niya ! Pero bakit mahal ko pa rin siya ?

Bakit parang business nalang kung tratuhin nito ang kasal namin? Bakit napakadali para rito ang pirmahan ang papel na magtatapos sa pagiging mag asawa namin ?!

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon