Chapter 53-"ALL THIS TIME "

47.6K 797 79
                                    

Chapter Fifty Four-''All This Time''

Hana's P.O.V :

"Hana...We have to go home. Mukhang papatak na ang ulan. And you need to rest"

Hindi ako nag abalang lingunin si Matthew. Naroon lang ako nakaupo sa puntod ng anak ko. Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Ni hindi ko naramdaman na hawak na pala ni Matthew ang braso ko.

Nailibing na si Danzel. Ang munti kong anghel.

"Hana ... Halika na...Please .... Makinig ka naman sa akin ...Hindi magugustuhan ni Danzel na nakikita ka niyang ganyan" Dagdag ng lalaki.

Lumingon ako sa kanya saka mariing inalis ang pagkakahawak nito sa braso ko. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko but its useless, patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"Bakit ganyan ka Matthew? Wala lang ba sayo ang pagkawala ni Danzel?!Pwede ba , kahit ngayon lang o kahit umakto ka na lang  na ipakita mo sa anak ko na may concern at pagmamahal ka sa kanya!" Puno ng galit at hinanakit ang puso ko.

"D*mn you, Hana! You don’t have the right to accuse me that because you dont know how exactly it hurts me. Its f*cking more than the word pain ! Dahil kung mas nasasaktan ka sa pagkawala ni Danzel , mas sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko dahil naging isa akong gago at walang kwentang ama sa kanya. Dahil kahit minsan hindi ko naiparamdam sa kanya ang magkaroon ng tatay. If i just can took those years when I still have her gagawin ko ang lahat para maging best father for her. Kung pwede lang bilhin ko ang oras , kahit ilang milyon o bilyon pa yun , bibilhin ko , maibalik lang ang oras na kasama pa natin siya ."-

Nag-uulap ang mga mata ni Matthew at may masaganang mga luha na tumulo mula sa mga mata nito. It was as if ngayon lang niya ipinakita kung gaano siya nanghihina.

Hindi ako nagsalita  dahil si Matthew mismo ang sinisisi ko sa pagkawala ni Danzel pero bakit ganun? Bakit parang nanlalambot ang puso ko?Sinasabi ng puso ko na walang kasalanan si Matthew at totoong mahal niya kami ni Danzel . Na labis din itong nasasaktan sa pagkawala ng anak namin.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon