Chapter 5-"LOSING HER"

70.1K 1K 24
                                    

A/N :Ako'y suportahan niyo po sa panibagong kwento ko entitled Unluckily Inlove With A Badboy (A prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with his bestfriend ♥)

 

 Chapter Five: "Losing Her''

Matthew's P.O.V:

4 YEARS AGO . . .

"Saan ka na naman pupunta Matthew ?" Para akong nahuling magnanakaw nang bumaling kay Hana na nakatayo sa hagdanan at binigyan ako ng matalim na tingin. Hating gabi na at akala ko tulog na siya nang iwanan ko kanina sa kama.

"Baby, why are you still awake? I thought you were already sleeping and----''

''Kaya ngayon aalis ka ng bahay nang hindi ko alam.'' May tabang sa himig nito. Natataranta naming lumapit ako sa kanya para yakapin ngunit kumawala ito sakin. Namutla ako.

D*mn! Kailangan ko kasing lumabas dahil sa misyon ko kung bakit ako naroon. Gusto ko na rin matapos ang trabaho ko nang maiuwi ko na ang mag-ina ko. Kaninang umaga, nakita ko sa spy cam na naikabit ko noon sa hide out ng mga sindikato na pinamumunuan ni Jerome na ngayong gabi nila gagawin  ang pagpapalitan ng bawal na gamot. Naitawag ko na sa mga kasama ko ang impormasyong iyon at naroon na sila sa hide-out ng mga sindikato.

"Nagising ako sa iyak ni Danzel.'' Hindi pa rin nagbago ang timbre ng boses niya. ''Sagutin mo ang tanong ko. Saan ka pupunta?''

Napakamot ako ng noo. Nasukol na ako. As much as possible naman kasi, ayokong sabihin kay Hana ang tungkol sa mapanganib kong misyon. Ayoko siyang mag-alala.

"May babae ka ba, Matthew?'' This time parang maiiyak ang himig nito.

"Hana.. Baby...'' Pilit ko siyang inabot para yakapin. ''Tatlo lang kayong babae sa buhay ko." Bigla akong itinulak ni Hana palayo.

 "Tatlo?! Walang hiya ka Matthew! Akala ko ba ako lang ang nag iisang babae sa buhay mo at -----"

 "Baby, tatlo kayo dahil tanging ikaw, si baby Danzel at si mommy lang ang mga babae sa buhay ko."

 Hinampas ako ni Hana. Natawa naman ako.  

"Kainis  ka! Siguraduhin mo lang yan, Mr. Montecarlo!''

 "Opo Mrs. Montecarlo!" And then i kissed her. ''But on the other hand,  gusto ko rin maging apat ang babae sa buhay ko or  i wouldn't mind for a Howard Matthew Montecarlo Jr.''

 Hinampas niya ulit ako. Kahit may kadiliman, nakikita ko pa rin ang pamumula ng pisngi nito.

Hinalikan ko ulit siya bago pinangko at dinala sa kwarto.

***

Pulos putok ng mga baril ang maririnig nang magbigay na ako ng go-signal sa mga kapwa kong secret agents na pasukin na ang pinagtataguan ng mga sindikato. Lumaban pa kasi ang mga gago kaya nagpalitan kami ng mga bala.. May ilan na namatay at meron namang sumuko ngunit ang higit na pinagngingitngit ko ay sa kadahilanang hindi nahuli si Jerome.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon