Chapter 34-"FINALLY KNEW"

50.6K 663 32
                                    

Chapter  Thirty Four: ''Finally Knew''

Hana's P.O.V:

              

''Why are you smiling?'' Nandito kami ngayon ni Matthew sa kama. Hawak niya ang mga kamay ko habang ginawa ko namang unan ang dibdib niya. Ghad! Heaven mhen!

Matapos ng masayang family picnic namin sa poolside, balak ko sanang tulungan sina Manang na magligpit ngunit ang magaling kong asawa hinila na ako patungo sa kuwarto. Buti na nga lang si Yaya na ang nagpaligo at nagpatuloy kay Danzel.

''Wala. Naalala ko lang na kapag daw yung little finger ng isang guy ay kamatch ng size ng ring finger ng girl. Sila raw ang magkakatuluyan.  But in our case, masyadong malaki yung little finger mo sa ring finger ko.''

Nagulat ako nang biglang bumangon si Matthew kaya napabangon rin ako. Bigla naman siyang humiga sa lap ko. Hindi na ako umapila kasi gusto ko rin ng posisyon namin.

''Tsk! Tommorow morning, magpapaschedule ako sa doctor para mapaliitan tong gagong daliri ko nang sa ganun pareho na ng size yung ring finger mo at ng little finger ko.''

Hinampas ko na. ''Gago! Kahit hindi naman magkapareho ang ring finger ko at little finger mo hindi naman ako maniniwala sa kathang isip na kasabihang yun noh! Para sa akin, tayo ang para sa isat isa.''

''Eh bakit namumula ka?'' Nang aasar niyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko.

''Kasi hinahaplos mo ang pisngi ko.''

''Hindi naman eh.'' Natawa siya.

''Sira! Ewan ko sayo!'' Natawa rin ako.

''Pakiss nga.''

''Tseh! Itulog mo nayan!'' Bumangon na ako para magshower ngunit hinila niya ako hinalikan.

''Sira ka talaga! Kissing monster!'' Natatawang bumangon ulit ako.

My Amnesia WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon