Chapter 51

1.3K 35 0
                                    


Dalawang buwan ang ginugol namin ni Jacob para iprepare ang kasal namin dito sa Canada. At kahit malaki na ang tiyan ni Erin ay hindi parin niya ibinigay ang pagiging Maid of honor kay Erriel.

Si Daddy naman ay nakalakad na din ng tuluyan at handang handa na siya para ihatid ako sa Altar.

Nasa hotel room ako at kasalukuyang inaayusan. Nandon si Erriel at si Erin. Nandon din si Lana na fiance ni Lance at malapit na rin silang ikasal.

"Dapat ako na lang maid of honor. Aba'y ang laki na ng tiyan mo noh!" Si Erriel kay Erin.

"E ako ang kapatid e! Tsaka minsan lang naman ikasal si Ate kaya dapat lang na kapatid ang maging Maid of honor." Sabi naman ni Erin.

"Naku manahimik na nga kayong dalawa diyan." Sita ko sa kanila.

Bumukas ang pinto at pumasok si celine na may dalang maliit na box.

"Mama this is from Papa." Anya.

Kinuha ko yon at mabilis namang nakiusyoso ang dalawang bruha. Kinuha ko muna ang note at binasa.

My Love,

      A simple gift but full of love. Wear it, Cant wait to marry you again. I love you.

                                                             Jacob

"Ang sweet!" Sabay na sabi ng dalawa.

Binuksan ko ang maliit na kahon at tumambad sa akin ang pares ng hikaw na may bilog na diamond. Isinuot ko ito at bagay nga sa akin. Kinuha ko naman ang maliit na paper bag kung saan nakalagay ang regalo ko sa kanyang gold cufflings.

Iniabot ko yon kay Erriel. "Give it to my groom please."

"Sure!" Kinikilig namang kinuha yon ni Erriel bago lumabas.

Nasa kabilang hotel room lang din si Jacob kasama ang mga groomsmens niya. Doon din sila inaayusan at kinukuhanan ng video gaya ko.

Nang matapos akong ayusan ay ipinasuot na sa akin ang wedding gown ko. Isa ung off shoulder princess type white wedding gown na puno ng beads and swarovski crystals. Mahaba din ang likuran nito. Inaayos na ang belo ko sa ulo ng pumasok si Daddy at Mommy.

 Inaayos na ang belo ko sa ulo ng pumasok si Daddy at Mommy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang gaganda naman ng mga anak ko." Sabi ni Daddy.

"Syempre mana sila sa akin." Singit ni Mommy.

Nakita ang namumuong luha sa mga mata ni Daddy.

"Dad please dont cry. Im not the old Eunice you've known before. Masisira ang make up ko. Uulit na naman sila at mahuhuli ako sa kasal namin ni Jacob." Babala ko kay Daddy.

Mabilis na nagpunas ng namumuong luha niya si Daddy saka muling sinuot ang salamin niya.

"Im so sorry. Tears of joy lang ito. Nakakapanibago lang din kasi ang make up mo ngayon. Noon kasi mukha kang mangkukulam sa make up mo e. Pati damit mo dati puro itim. Kulang na lang sayo non walis ting ting."

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon