CHAPTER 34

976 26 0
                                    


Sa tindi yata ng pagod, puyat at stress ko nitong mga nagdaang araw ay napasarap ang tulog ko. Nakarinig lang ako ng putok kaya napabalikwas ako sa kama. Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko, alas onse y media na ng gabi! Mabilis kong tinungo ang banyo at naligo ako.

Nag blo blower na ako ng buhok ng pumasok si Erin sa kuwarto ko.

"Akala ko tulog ka pa, Ate. Gigisingin na sana kita kasi malapit ng mag alas dose."

Pinatay ko ang blower at tumayo na ako. "Pasensiya na kayo at hindi na ako nakatulong sa pag prepare ng handa natin for new year."

Lumapit sa akin si Erin. "Wala yon ate. Alam naming pagod ka. Ikaw ba namang mag ala darna  para lang masagip ang buhay namin ni Mommy."

Natawa ako sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata ng kapatid ko ang labis na kasiyahan.

"Mukha yatang meron akong dapat malaman?"

Natigilan siya at nag iwas ng tingin sa akin.

"W-wala naman ate."

Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng dibdib ko saka ko siya tinaasan ng kilay. Tumingin siya sa akin.

"Ate naman e! Oo na nga!"

Natawa ako sa kanya. Kahit minsan ay moody siya at madalas sumpungin ng tantrums niya, never siyang nakapagtago ng sikreto sa akin. Kaya halatang halata ko siya kapag meron siyang itinatago.

"Anong oo na?"

"Binigyan ko na ng chance si Matthew."

Umiling iling ako. "I already know that. What else?"

Inirapan niya ako. "Oo na, kami na."


Nagulat ako sa sinabi niya. "Erin, wala pang isang buwan buhat ng nagkita kau ulit at nagkausap. Agad agad? Sure ka naba diyan?"

"Ate, hindi naman porke kami na ulit e bibigay na naman ako. I've already learned my lesson."

"Erin pare pareho lang ang mga lalake. Oo nagmamatigas tayong mga babae but once they kissed us mapapailalim na tayo sa hindi mawaring spell nila. They will dominate you without noticing it. Tapos magigising ka na lang na tapos na, nangyari na."


Mapanuring mata ang ipinukol niya sa akin. Maya maya pa ay isang nakakalokong ngiti ang ipinakita niya sa akin.

"I knew it! May nangyari sa inyo ni kuya Jacob noh?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Shhh! Ano bang pinagsasabi mo diyan?! Mamaya marinig ka ni mommy!"

Hindi maalis ang mapanuksong ngiti sa mga labi niya.

"Pero totoo ba?"

"Hindi nga!"

"E bakit parang karanasan mo yung sinabi mo kanina sa akin?"

"Hindi ba pwedeng nabasa ko lang or napanood?! Ang dumi mo talagang mag isip. Siguro nagawa nyo na din ni Matthew noh?!"

"Ay hindi ha!"

"Aysus, siguraduhin mo lang."

Tumango siya pero nakapaskil parin sa mukha niya ang pagdududa sa akin.

"Halika na nga. Malapit ng mag alas dose!"

Naglakad na ako at hinila ko na siya palabas ng kuwarto ko. Dumiretso kami sa kusina. Nakahanda na ang mesa. Napatingin sa amin si Mommy.

Tame The Heiress HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon