Chapter 14

962 34 0
                                    


Months passed at naging maayos kami ni Jacob. Pero hindi pa rin niya ako mapilit gawin ang mga gusto niyang gawin ko, I can't smile and be kind to everyone lalo na kapag nandiyan si Daddy. Madalas akong mapagalitan ngayon dahil sa unti unti kong paglambot sa ibang tao. Gaya ngayon, sobrang galit sa akin ni Daddy.

" What comes on your mind at pinagbigyan mo ang isang magnanakaw sa hotel natin?!" Sigaw ni Daddy.

" Dad, i've already told you na hindi siya magnanakaw! May nag frame up lang sa kanya!" Sagot ko.

" Stupida!" Sigaw ni Daddy sa akin saka marahas na ibinato sa akin ang isang folder.

Iniharang ko ang kamay ko sa mukha ko kaya sa kamay ko ito tumama.

" Hayan ang mga papeles na nagpapatunay na siya ang utak ng nakawan sa hotel! Basahin mo!" Galit na galit na sigaw ni Daddy.

Pinulot ko ang folder at binasa yun. Pirmado nga lahat ni Mrs. Ignacio.

" Iniyakan ka lang at nagmakaawa sayo, naniwala ka na?! Hindi kita pinalaki ng ganyan Eunice! Walang puwang ang awa sa mga taong magnanakaw gaya ng babaeng yan! Dont you ever dare to bring back that woman in my Hotel!" Sigaw niya.

Pero ayoko pa ring maniwala na nagawa ngang magnakaw ni Mrs. Ignacio. Kung makukulong siya paano ang 2 years old niyang anak? E wala na ang asawa niya.

" Dad magpa imbestiga tayo ulit. Malakas ang kutob ko na may foul play na pangyayari dito. Hindi siya pwedeng makulong, kawawa yung anak niya." Sabi ko kay Daddy na siyang lalong ikinagalit nito.

Mabilis na nakalapit sa akin si Daddy at hinablot niya ang kaliwang braso ko.

" Awa?! Isa kang Montefalco at walang puwang sa puso mo ang awa!" Anya saka niya ako marahas na binitawan.

Wild na si Daddy kaya alam kong isang maling salita lang dadapo na ang mga kamay niya sa pisngi ko.

" Si Jacob ba ang dahilan kaya ka nagkakaroon ng awa sa mga hindi dapat kaawaang tao ha?!" Anyang galit na galit.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot ng marinig ko ang pangalan ni Jacob.

" Of course not!" Mabilis kong sagot.

" Fix yourself Amelia Eunice! You know what i can do! Get out of my office now!" Sigaw niya.

Nagmamadali naman akong lumabas ng opisina niya. Nang makita ako ng mga tauhan sa loob ng hotel ay yumuko sila. Tumayo ako ng tuwid at naglakad palabas ng Hotel. Siya namang labas ng mga pulis bitbit si Mrs.Ignacio. Nang makita ako ni Mrs. Ignacio ay tumakbo ito palapit sa akin, pero bago pa siya nakalapit sa akin ay naharangan na siya ng mga bodyguard ko.

" Miss Eunice maniwala ka sa akin, hindi ako nagnakaw ni isang kusing dito sa hotel nyo!" Anya habang umiiyak.

Nakita ko ang nakasuot na posas sa mga kamay niya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng awa para sa isang tauhan ng hotel namin. Lumuhod siya sa harapan ko.

" Maniwala ka sa akin Miss Eunice! Alam kong mabuti kang tao at hindi ka kagaya ng ama mo! Naranasan mo din ang iwanan ka ng iyong ina, kung ano ang naramdaman mo ganon din ang mararamdaman ng anak ko! Pero sayo maraming nag alaga, yung anak ko ako lang ang meron siya, maawa ka sa anak ko Miss Eunice!" Pagmamakaawa niya sabay hagulgol.

Nakakaawa siya pero alam kong kapag nagpadaig ako sa awa ko, mas malaking kapalit ang mawawala sa akin. Kailangan kong kalimutan ang awa at patigasin ang puso ko gaya ng dati. Isinuot ko ang sunglass ko.

" Let's go." Tawag ko sa mga bodyguard ko.

Tumalima naman ang mga ito. Tinatawag ni Mrs. Ignacio ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Bago ako sumakay sa kotse ay nakita ko na nakapark ang kotse ni Jacob malapit sa kotse ko. Nakababa ang salamin sa may passengers seat kaya kitang kita ko siya sa loob. Malungkot ang mga mata niya na tumingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin saka walang kibo na pumasok ako sa kotse. Pinaandar na ito ng driver ko pauwi ng bahay.

Tame The Heiress HeartWhere stories live. Discover now